Rose Nasorpresa ako ng biglaan akong yakapin ni Ana pagkabitaw ko sa kamay niya. Naramdaman ko ang medyo mabigat niyang mga braso sa balikat ko dala ng pagiging skinny niya. Niyakap ko rin siya pabalik at napatikhim ako nang maramdaman kong nahihigpit na niya ang pagkakayakap. Agad naman itong bumitaw. “I’m sorry.” Pinunasan nito ang mga luha na nagbabagsakan mula sa mga mata niya. “Masaya lang ako, kasi kahit mawawala na ako sa mundo. Maiiwan ko naman ang puso kong nabubuhay sa iyo,” aniya. Sumikip bigla ang dibdib ko at nalungkot ako sa sainabi niya. Hanggang ngayon ay napapatanong parin ako kung bakit niya gustong ibigay ang puso niya sa akin. “Maiwan ko muna kayo,” Paalam ni Ms. Jamilla sa’min. Nang maiwan kaming dalawa ay naupo kami sa upuan at sinimulan naming mag-usap. Nanatili

