Rose “Salamat sa Panginoon at nagising ka na!” bungad sa akin ni Yaya Shirley nang na imulat ko ang aking mga mata. Hindi pa ako makapagsalita. Ang huling naaalala ko ay magka-usap kami ni Loey. I was confronting him tapos bigla akong nahirapang huminga. At ngayon ay nandito na ako sa ospital. Somehow I felt guilty for what I said to him. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sobrang guilty ko sa pinagsasabi ko. Bahagya kong inangat ang likod ko para maupo sa headboard ng kama para tumayo. “Oh, huwag ka munang tumayo. Anak naman eh!” pagsasaway sa akin ni Yaya. “Nag cardiac arrest ka raw sabi ng Doktor. Buti na lang at nadala ka kaagad ni Loey ditto sa ospital.” Paliwanag ni Yaya sa akin habang binabalik ako sa pagkakahiga. “N-nasaan po si Loey Ya?” nauutal kong tanong. Gusto ko s

