Cath Ten Days After Agatha's Death It's Tuesday morning, nandito na ako sa classroom at naghihintay na lang ng oras. Ako lang mag-isa ngayon dito habang ang paligid ay madilim pa dahil mag-uumaga pa lang. Napaaga ang pasok ko. Letse kasing traffic 'yan! Baka kasi ma-late na naman ako kaya't inagahan ko na talaga ang pasok. Kaso sobrang aga naman nito, jusko. Bumuntong hininga ako. Ngayong araw nga pala ang simula ng pag-iimbestiga namin ni Luigi tungkol sa totoong nangyari kay Agatha. Paano namin iyon gagawin? Hindi ko pa talaga alam, ehe. Napakarami pa kasing tanong ang naglalaro sa utak ko ngayon. Bakit sinend ni Agatha kina Stephanie at Lucas ang message na sinend niya sa 'kin? Bakit niya 'yon gagawin lalo na't alam naman naming lahat na walang ginawa ang dalawang 'yon kundi

