"I want you to look.. pretty, habibti. I will make sure that all eyes are on you tonight." Nakangiting wika ni Madam habang sumisimsim ng wine. Nakaupo ito sa isang 2-seater sofa lounge chair sa loob ng aking kwarto at inaantay na matapos ng makeup artist ang ginagawa niya sa akin.
Nang matapos akong lagyan ng make-up ay pinaharap na ako ng makeup artist kay Madam.
"Madam, khalas." Pumapalakpak pa ang makeup artist na kinuha ni Madam ng iharap niya ako dito.
"Perfect.. absolutely stunning..."
Iyon lamang at makahulugang lumabas ng aking kwarto si Madam.
Kinakabahan naman ako dahil simula kaninang umaga ay hindi pa ako kinakausap ni Sir Karim. Ang sabi nito ay mag-uusap kami pero isang oras na lamang ang natitira bago magsimula ang engagement nito ay hindi pa ito nagpaparamdam sa akin. Hindi ko tuloy alam kung successful ang plano namin ni Madam na papakasalan ako ni Sir Karim. Ang iniisip ko, baka kapag hindi ako pinanindigan ni Sir Karim ay ipapakulong talaga ako ni Madam. Kahit naman wala sa usapan namin ‘yon ay hindi pa rin ako kampante kaya mas mabuti pang umayon sa plano ni Madam ang desisyon ni Sir Karim.
‘Bahala na.’
Hindi ko na siguro kasalanan kung ayaw talaga sa akin ni Sir Karim. Ginawa ko naman ang pinag-uutos ni Madam. Kapag hindi ako pinanagutan ni Sir Karim, ibig sabihin, galit talaga siya sa akin at hindi niya talaga ako type.
‘Patas lang kami. Hindi ko din siya type no. As if naman papatol ako sa isang siraulong manyakis.’
**********
"Manang Tessie, kapag hinanap ako ni Madam, pakisabi nag-cr lang ako ha," paalam ko kay Manang Tessie.
Kanina pa ako ihing-ihi pero hindi ko magawa dahil ang sabi sa akin ni Madam na huwag akong pupunta kung saan-saan kapag nagsimula na ang party. Magpapaalam sana ako kay Madam pero busy ito sa pakikipag-usap doon sa mag-asawang kasama nila kanina. Alam kung VIP ang mga 'yon kaya kay Manang Tessie na lang ako nagsabi. Wala naman kasi akong choice dahil kami ang magkasama sa table katabi ng table nina Madam.
Mabilis na akong pumunta sa banyo. Nasa labas iyon ng main hall pero malapit lang din naman. Gustong gusto ko nga tumambay doon sa loob kung hindi ko lang iniisip na hahanapin ako ni Madam. Iba talaga dito sa ibang bansa, banyo pa lang, parang bahay na namin sa laki, tapos ang bango bango pa, pwede na ngang tulugan ng buong pamilya.
Mabilis lamang akong umihi dahil alam ko hahanapin na ako ni Madam. Baka kasi bigla nang mag-announce si Sir Karim lalo pa at nagdi-dinner na kami kanina. Kinakabahan nga ako kasi magkasama silang dumating ni Madam Hala kanina. Kasama din nila ito sa kanilang table. So malaki ang chance na si Madam Hala ang pipiliin niya at hindi ako.
"Hey, Geraldine, I like your dress tonight. You look beautiful!" Paglabas ko ng banyo ay nakasalubong ko naman si Sir Saif. Galing ito sa panlalaking banyo, siguro ay umihi din.
"Thank you." Ngumiti lang ako dito sabay alis dahil babalik na ako sa aking pwesto.
"Wait.." nahihiya namang lumapit sa akin si Sir Saif, "W-would you mind if I ask you out for dinner. I just want to know you better. I want to know your family too. Geraldine I like you."
Hindi ako makapagsalita sa sinabi ni Sir Saif. Halata naman ito na may gusto sa akin dahil kahit sa villa kapag nakakatiyempo ito ay lagi akong sinasabihan ng 'I like you.' Gusto nga niyang pumunta ng Pilipinas at kilalanin ang aking pamilya para ipakitang seryoso talaga siya sa akin.
Siguro noong una ay medyo nayayabangan nga ako dito kay Sir Saif pero habang nakakasama ko naman siya sa villa ay marunong naman itong makisama. Matalino at masayahin ito base na rin sa naririnig ko tuwing nakikipag-usap ito sa private nurse ng lolo nila. Halatang mahal na mahal nito ang lolo dahil iniwanan ba naman ang negosyo nito sa Lebanon para samahan ang matanda dito pero malas lang nito dahil ang paborito ng matanda ay sina Sir Karim at Madam Yara. Siguro dahil mas kamukha ng matanda ang dalawang apo kesa dito kay Sir Saif na blue eyes. Ang mata kasi nina Madam Yara at Sir Karim kasi ay parang grey or green, nag-iiba ang kulay depende sa liwanag ng araw at sa kanilang emosyon.
"S-sir Saif.. I'm sorry. I told you before, I don't like you." Ewan ko ba, gwapo naman 'to si Sir Saif pero wala man lang akong nararamdaman na kakaiba sa kanya. 'Yong kumakabog ang dibdib ko katulad ng nararamdaman ko kapag kausap ko na si...
"Uhhmmm.. aherrmmm... am I disturbing here?" Napalingon kaming dalawa ni Sir Saif sa bagong dating. Habang papalapit ay masama na naman ang tingin nito sa akin.
'Iniisip na naman nito na may ginawa kaming milagro ni Sir Saif.'
"Nope. I'm just complimenting Geraldine. I'll go ahead," saka kami iniwang dalawa ni Sir Saif.
Susunod sana ako kay Sir Saif pero hinawakan ni Sir Karim ang braso ko. Hindi muna ako pumalag dahil baka kung ano ang isipin sa amin ni Sir Saif. Nang tuluyan nang makapasok sa loob ng main hall si Sir Saif ay saka ko iwinaksi ang aking braso.
"See... you're such a w***e! After what happened to us last night, here you are flirting with Saif again." Galit na namang wika nito. Hindi ko na kinontra dahil alam ko namang wala nang silbi na ipagtanggol ko ang aking sarili. Tutal ay lagi naman akong pinag-iisipan ng masama ni Sir Karim, bahala siyang mag-isip ng masama sa akin.
"Okay.. so inaamin mo nga na may ginawa ka sa akin akin kagabi. Nahimasmasan ka na siguro sa sobrang kalasingan. So...? Ano ngayon kung magkasama kami ni Sir Saif. Wala namang masama kung anong gawin namin dahil pareho kaming single. Ang masama, 'yong namimilit ng tao kahit ayaw sa'yo." Matapang na sagot ko dito.
Natigilan naman si Sir Karim sa sinabi ko. Baka akala niya tatahimik lang ako lagi kapag ininsulto niya ako.
"Tsk.. just go inside the hall now! I will announce to everybody who will be my future... 'wife'," diin nito sa huling salita at nauna nang bumalik sa main hall.
Hindi na ako nakipag-argumento at sumunod na lamang. Dumiretso na ako sa table namin ni Manang Tessie samantalang si Sir Karim ay nakita dumiretso sa gitna ng hall.
Pumalakpak ito para makuha ang atensiyon ng buong bisita. Nang nakatingin na ang lahat sa kanya ay nagsimula na itong magsalita.
"Ahmm... " nagtest muna si Sir Karim kung okay na ang kanyang boses atsaka nagpatuloy.
"Dearest friends, colleagues, family and to all the beautiful people gathered here tonight to celebrate my engagement. In my more than thirty years of happy living, I have dated alot of women.. kiss alot of them... hug alot of them..." nag-pause ito at tumingin sa buong paligid. Huli itong tumingin sa akin na nagpatayo ng aking balahibo kaya umiwas ako ng tingin. Nagpatuloy naman ito sa pagsasalita kaya napilitan akong tumingin dito.
"I remembered, when I first met her, she was in the middle of the aisle. Wearing a simple clothes, messy curly hair, just standing looking at me innocently. It was the moment I was struck by her simplicity and I tell to myself, 'This woman is the one for me. She's God sent and I will do everything to make her mine.' Fast forward, I think luck is on my side and it happens that we have a connection." Lumapit ito sa aming table kaya mas kinabahan ako. Lalo na ng mapansin kung nakatingin ang lahat sa akin. Para tuloy gusto ko nang lumubog ng mga sandaling 'yon.
Kinuha nito ang isang baso ng wine at nagpatuloy na naman. "Friends, let's raise your glass and toast with me as we welcome my future wife."
Itinaas ni Sir Karim ang kanyang kopita at pati na din ang mga naroon kaya nakigaya ako. Itinaas ko ang kopita at sumimsim ng wine na nakalagay sa bawat table. Matapos uminom ay nagpalakpakan ang lahat. Pero ako, kinakabahan pa din kasi hindi pa naman kasi binibigkas ni Sir Karim ang pangalan ng babaeng papakasalan niya.
Matapos uminom ni Sir Karim ay inilapag nito sa aming table ang ininom na wine at may kinuha sa kanyang bulsa.
"Friends and families, tonight is the announcement of my engagement but at also at the same time.. I want to propose to her." Binuksan nito ang isang jewellery box at tumambad sa lahat ang isang malaking engagement ring na hindi ko alam kung magkano pero sa tingin ko ay sobrang mahal dahil sa laki ng bato.
Lumapit sa akin si Sir Karim at pinatayo ako. Dahil sa sobrang kaba ay nanginginig na ang kamay ko. Siguro ay ramdam din iyon ni Sir Karim kaya hinigpitan niya ang paghawak sa akin.
"Friends and families, I want you to meet my fiancée.. and future wife, the woman that I love the most- Geraldine!" Sabay halik sa akin ni Sir Karim.