Habibi 25 - Boss Karim

1460 Words
"Welcome to Love Island Paradise, Mr and Mrs. Mahfouz!!!" Bati sa amin ng manager ng dumating kami ni Sir Karim sa Mauritius. Ito mismo ang naghatid sa amin sa aming vip room dahil iyon ang bilin ng mag-asawang Baacchan. Narito kami ngayon sa napakagandang isla ng Mauritius. Ito ang regalo sa amin ng mag-asawang Baacchan bilang mag-asawa. Sila ang may-ari ng isa sa pinakamahal na resort dito sa Mauritius. Tinuloy din kasi ni Sir Karim ang aming kasal pero dahil sa sobrang galit nito dahil sa ginawa nina Baba at ni Madam ay hindi nito sinunod ang nauna nilang plano ni Madam Hala na ikakasal pagkatapos ng isang linggo matapos i-announce ang dapat sana nilang engagement. Taliwas sa inaasahan ng lahat, kinabukasan ay nauna na kaming umalis ng Moon Island kung saan ginanap ang engagement. Basta na lamang niya akong kinaladkad sa Philippine Embassy. Pagdating doon ay mayroong ginanap na seremonyas at paglabas namin ay kasal na kaming dalawa. Hindi na ako umangal dahil kung may kasunduan kaming dalawa ni Madam, mayroon din kami ni Sir Karim. Paglabas namin ng Philippine Embassy ay tinawagan na lamang nito sina Madam na kasal na kami at simula ngayon ay doon na ako titira kay Sir Karim dahil mag-asawa na kaming dalawa. Gano'n na lamang ang galit ni Madam nagpaplano pa naman ito ng engrandeng kasal para sa aming dalawa. Gusto kasi ni Madam ma malaman ng lahat kung sino ang pinakasalan ni Sir Karim para lalong asarin si Madam Hala. Kaso para makabawi kay Madam, bigla na lamang akong pinakasalan ni Sir Karim kaya hanggang sigaw na lamang si Madam. "Don't be happy dahil alam mo kung bakit tayo narito sa Mauritius. 'Wag na 'wag kang gagawa ng mga bagay na ayaw ko kung ayaw mong umuwi ka ng Pilipinas kaagad. Remember our deal, capiche!" Bigla akong napabalik sa kasalukuyan ng marinig ang boses ni Sir Karim. Narito na kami sa loob ng vip room. Hindi ko ito sinagot dahil napagod ako sa biyahe. "I did not hear you." Madilim ang mukha na sabi ni Sir Karim. 'Akala ko ay nakalabas na ito. Nariyan pa pala sa may pinto.' Reklamo ko na lamang sa aking isip. "Opo!" "That's not what I told you to call me! Again..." "Yes, Boss Karim. Hindi ko po nakalimutan ang ating kasunduan." Magalang na sabi ko dito pero nagngingitngit na ang kalooban ko. "Very good! Mabilis ka namang kausap. I like that." 'Yon lang at tuluyan na itong lumabas. Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas na si Sir Karim. "Ano ba 'tong napasukan ko.." kausap ko sa aking sarili habang inaayos ang aming mga gamit. Hindi ko tuloy maiwasang balikan kung paano ako napasok sa panibagong kasunduan. Flashback.... "Aray!" Galit akong binalibag ni Sir Karim sa loob ng kanyang kwarto pagkatapos ng announcement. "Don't complain dahil alam kong magkasabwat kayo ni Mama! Sabihin mo sakin kung magkano ang binayad ni Mama para pumayag ka sa plano niya!" Hindi pa ito nakontento at gigil na hinawakan ang mukha ko. "Sir, nasasaktan ako! Hindi kami magkasabwat ni Madam! Ang pinaglalaban ko ay ang kahayupang ginawa mo sakin! Ngayon kung gusto mo talagang hindi ituloy ang kasal at pakasalan ang girlfriend ninyo, willing naman akong magpaubaya. Hindi na ako maghahabol pa---" "Easy for you to say dahil walang multi-billion dollar deal na mawawala sa'yo! Puri mo lang ang nawala, but I doubt kung talaga ngang pinilit kita. Never in my entire life na namilit ako ng babae---" "Walanghiya ka talaga! Hindi mo maalala dahil lasing na lasing ka! Anong tingin mo sa akin? Kaladkaring babae?!" Sa galit ko din ay winaksi ko ang kamay nitong nakahawak sa mukha ko. "Yes! Alam kong hindi lang ako ang lalaki sa buhay mo. A lot of them! At para patunayan 'yan, we will go to the hospital bukas na bukas din upang ipa-check ka.. kung totoo ngang pinilit kita. At kapag napatunayan sa result na walang pilitang nangyari, I will make sure na mabubulok ka sa bilangguan sa panloloko mo sa akin!" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Sir Karim. Ano daw? Gusto niya akong patingnan sa ospital bukas. "S-sige.. p-pa-payag ak---" "But, don't worry, habibti.. may isa pa naman akong option eh. I will forget everything that happens--- 'yong panloloko ninyo sa akin..." "A-ano pong o-option??" "Let's have a deal." "D-deal?" "Contract! Agreement! Kasunduan! I will set the rules and all you have to do is agree. Kapag pumayag ka, then after one year ay tapos na ang deal natin and pwede ka nang umuwi ng Pilipinas. And one more thing, I will pay you. How 'bout... hmmm, ten milliong dollars?" seryosong wika ni Sir Karim. 'Ten million dollars?! Hindi dirhams..' Parang lumaki ang ulo ko sa sinabi ni Sir Karim. Ang laking pera no'n. Magkano ba ang offer ni Madam sa akin? Hindi ko na maalala. Mag-ina nga sila ni Madam, walang ibang alam gawin kundi ang magbayad ng pera para masunod lamang ang gusto. 'Yong kay Madam, wala naman akong balak tanggapin ang bayad dahil baka patibong lang iyon. Itong kay Sir Karim, kapag tinanggap ko, pwede din kasi mas malaki ang bigay niya atsaka dollars pa. Bahala na lamang kung sino ang susundin ko sa mag-ina. Kapag tinanong ako ni Madam, sabihin ko na lang na ipapa-checkup ako ni Sir Karim, alam kung ayaw din 'yon mangyari ni Madam dahil baka mabuking kaming dalawa. Ang importante sa kanya, matuloy ang kasal namin ni Sir Karim at kapag natapos ang anim na buwan, back to Pinas na ako. Kapag pumayag naman ako kay Sir Karim, bahala na siya sa one year niya, baka matuwa pa siya kapag anim na buwan pa lamang ay mag file na ako ng divorce. "Ano po ang mangyayari kapag hindi ako pumayag?" "I told you already.. ipapa-check kita sa hospital. Kapag napatunayang hindi nga kita ginawan ng masama, sa kulungan ang bagsak mo, but if the result says otherwise-- tuloy ang kasal natin!" "Pumapayag na ako sa deal!" "That's good to hear. Just wait here.." May tinawagan ito at maya-maya lamang ay may kumatok sa labas. Pinagbuksan naman iyon ni Sir Karim at nakita kong may nag-abot dito ng papel at ballpen. Umalis din kaagad ang nagdala no'n at umupo sa harap ko si Sir Karim. Binigay nito sa akin ang malinis na papel at ballpen. "Write down all the things that I will dictate. Those are the things that you need to follow under our 'contract'. Let me remind you, that once na hindi ka tumupad sa ating deal.. hindi na sa kulungan ang bagsak mo," bigla ay putol ni Sir Karim. "Ha?! Anong ibig niyong sabihin, Sir?" bigla ay natakot naman ako kay Sir Karim. Tumawa naman ito, "I'm sure, narinig mo na siguro kay Ate Doray kung anong nangyayari sa mga Pilipinang nawawala na sumama sa mga lalaki nila.." Parang wala namang sinabi si Ate Doray tungkol sa mga nawawalang Pilipina dito. "Wala namang sinabi sa akin si Ate Doray." "Wala ba.. baka hindi niya lang kinwento sa'yo dahil baka matakot ka," bigla ay tumawa na naman ito ng nakakaloko. "Well.. dinala lang naman sila sa disyerto at hindi na nakita pa.. kaya kung ako sa'yo, kung ayaw mong mawala sa disyerto, sundin mo lahat ng gusto ko!" Naalala ko bigla ang mga kinukwento sa akin ni Daisy na marami daw nawawalang mga magagandang Pilipina sa Dubai. Isa iyon sa hindi na pinaalala sa akin ni Daisy, ang huwag sumama at sumakay sa mga hindi ko kakilala lalo na sa mga lalaki kapag dumating na ako dito dahil dinadala daw ang mga 'yon sa disyerto at hinahalay at pagkatapos ay pinapatay at basta na lamang iniiwanan sa disyerto kaya hindi na makita ang mga 'yon. 'Yon ba ang ibig sabihin ni Sir Karim kapag hindi ko siya sinunod, baka ilibing niya ako ng buhay sa disyerto. Bigla ay nanayo ang balahibo ko. "Seems like your thinking something rude towards me right now..." Matalim ang tingin ni Sir Karim ng mapansing tumahimik ako. "Ha? Hindi po. Ang sabi ko nga susundin ko lahat ng ilalagay niyo sa ating kontrata. Masunurin naman ako." Mabilis kong sagot. "Good to know. Okay.. first rule..." At sinimulan ko nang isulat ang mga bagay na gusto at ayaw ni Sir Karim. Nang matapos ako sa pagsusulat ay binasa niya ulit at pinabasa din sa akin saka niya pinirmahan. "You need to sign here to close our deal." Turo nito sa bahagi ng sinulat ko kung saan ako pipirma. "Ipapa-revised ko pa ito sa aming lawyer at kapag na-finalised ay bibigyan kita ng kopya." Sa huling pagkakataon ay binasa ko ulit ang aking sinulat at pumirma. "What will you call me if we're alone?" Nakangising sabi ni Sir Karim. Masama ko itong tiningnan bago sumagot. "Boss.. Boss Karim!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD