Hell 10

2837 Words

Zaire Emerald Xermin's Pov Tatlong araw na ngang hindi nagpapakita sa akin si Dark King o sinuman sa CPO at sa kabutihang palad, naging maayos naman ang mga lumipas na araw. Walang nagtatangkang manggulo sa akin at tahimik ang buhay ko. Nagsisimula na ding humilom ang mga sugat ko at hindi na din sumasakit ang katawan ko kaya nakakakilos na ako ng maayos. Yun nga lang, sa tatlong araw na lumipas, sunod-sunod pa din ang napapabalitang p*****n at lahat daw yun, kagagawan ng White Queen. Grabe pala ang babaeng yun. Kung makapatay eh dinaig pa si Kamatayan. Wala pa daw sinasanto yun kaya lahat ng estudyante ng Hellion eh nababahala sa buhay nila. Malaki talaga ang takot nila dito. Sa bagay, kahit ako naman nagsisimula na ding matakot sa kanya. Kahit hindi ko pa sya nakikita at nakakaharap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD