Zaire Emerald Xermin's Pov Matagal nagtitigan ang magkapatid at mukhang wala pang balak magsalita. Bakas ang kaba kay Xeric habang si McKenzie naman ay siguradong nag-iisip pa. "Nasaan si Lola mo ngayon?" tanong ni McKenzie. "Patay na." walang gana kong sabi. Gulat silang napatingin sa akin. "Anong ginawa mo?" sigaw nila na ikinataas ng kilay ko. "Woah. Patay lang, ako agad ang may gawa?" Napailing ako. "Hindi ba pwedeng inatake na ng katandaan?" "Bakit alam mo?" tanong ni Xeric. "Binabantayan sya nila Vela at Auriga dahil alam ko ang mga kalokohan nya. Nakarating din sa akin ang ginagawa nyang pandadamay sa pamilya ko sa kasakiman nya. Balak nya kasi akong i-arrange marraige kay Xeric." "Oh. Yan naman ang hindi na talaga pwede." Nilapitan na ako ni McKenzie. "Mas lalong hindi pwe

