Zaire Emerald Xermin's Pov Ilang araw na ang nakalipas magmula nang makausap ko sina Xeric at nagiging maayos na ang pakiramdam ko. Tinutulungan din kasi nila akong ma-overcome ang lahat ng biglaang pangyayari. At lagi din nilang sinasabi na kahit na ako pa ang pinakademonyong tao sa buong mundo ay magagawa nila akong tanggapin. Sigurado din daw sila na ganun din si McKenzie. Sadyang nagulat lang daw siguro ito sa nasaksihan. Baka iniisip din daw kasi nito na kaya sya dapat lumayo sa akin dahil hindi ako nito naiiwas sa ganitong sitwasyon. Pero syempre, hindi ako naniniwala dun. Alam kong matapos ang mga nakita at narinig nya ng gabing iyon ay hindi na talaga nya ako matatanggap. Pero bilib nga ako kay Xeric ngayon eh. Kasi, sinabi ko sa kanya na sya nalang uli ang mamahalin ko para h

