36. Intimate APAT NA LINGGO na ang nakalilipas, ganoon pa rin ang pakikitungo ng magkakaibigan. Nagkakasalubong man sila sa iisang bahay ngunit parang wala namang nakita. Nang araw na iyon, noong mawala si Goldee ay natapos na ang paglalaban ng bawat Platoons matapos magpaputok ng baril ng mga nasa helicopter sa himpapawid. Inawat ng mga unipormadong lalaki ang lahat ng naglalaban. Alam niyang lihim ring nagpapasalamat ang ibang grupo dahil hindi na sila muling nabawasan pa. Nang dahil lamang sa init ng ulo’y dumanak pa ang dugo. Isa iyon sa mga bagay na pinagsisihan ni Alluka. Kung sana’y pinakitaan niya ng kaunting kabutihan si Zia, baka hindi umabot sa gano’ng tagpo ang lahat. Hindi sana sinamantala ng ibang Platoon na mabawasan pa ang ibang grupo. Nagpanukala rin ng batas ang pin

