90. Liquid PATULOY PA RIN ang pagkilos nila Pink. Tahimik ang naging paglalakad nila sa pwestong nakatalaga sa kanila. Isa-isa na nilang sinisira ang mga CCTV camera na makikita. Hindi ito ibinilin ng mga kapatid niya ngunit ang trabahong ito lamang ang kaya nilang gawin sa ngayon. Matagal-tagal na rin nang huli niyang makita ang dalawa. Hindi niya na alam kung ano na ang balita sa mga ate niya. Kung anuman ang pinagkakaabalahan ng mga ito, iyon ang bagay na gusto niyang malaman. "Take this, Ate Pink," iniabot ni Chaos ang isang maliit na bote na may asul na likido. Kumunot naman ang noo niya nang kuhanin iyon. "Para saan ito, Chaos?" inamoy-amoy pa niya ang laman niyon. Medyo amoy alak na matamis ang nasa botelya. “Alam mo naman siguro na nag-aalala si Kuya Patrick sa ‘yo?” tanong

