Her POV Kinilabutan ako sa nakita ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa tindi ng sindak sa taong ito. Maya maya may lumabas pang ilang lalaki sa paligid. Halos sampung lalaki ito na ganun ang mga mata. "Magandang gabi mahal na luna..mukhang matutuwa ang pinuno kapag iniregalo ka namin sa kanya." Ngisi na lalaking kaharap ko. Marunong ako sa self defense pero kapag ganito karami..alanganin ako. Gumagana na ang utak ko kung paano ako tatakas. Pero wala akong makitang butas na pwedeng takasan. "Anong kailangan niyo" tinatagan ko ang boses ko para hindi nila malaman na nanginginig na ako sa takot. "Hahha....matapang ka pala mahal na luna..hindi katakataka na bagay ka sa mahal na prinsipe" natutuwang sabi nung isang lalaking masangsang ang amoy. "Kung holdap toh..ibibigay k

