Her POV Nakita ko ang matinding tensyon sa buong paligid. Si Lenard nakatayo malayo sa akin pero kita ko ang matinding galit sa kanyang mukha. Kahit sino ay matatakot sa ibinabadya nito. Nakita ko ng nagsidatingan ang maraming warrior mula sa manila at yung iba ay hindi ko kilala. Pero wala na akong makitang mga rouge. Nakita ko rin si Beta Raffy na puno ng sugat sa katawan. May tumutulo pang dugo mula sa kanyang ulo. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko si Megan. Nakita ko rin ang dad ni Lenard buhat buhat si mommy sonia. May nakabalot na malaking kumot sa katawan nito. Walang malay na buhat niya ito sa kaniyang bisig. Nakita ko na nawala sa pwesto si Beta Raffy. At namalayan ko na lang na nandun na ito kay Megan. At maingat na binuhat ang kanyang mate. Pero bakas ang matinding gali

