21

1915 Words
Zemira's POV "Uyyyyy si Zaina!" "Yesssss!" "Thank you,Lord.At dininig mo ang aking panalangin!" "Mga babe's wait for me!" Nangunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi nila.Taka ko naman silang tignan habang sila ay kung ano-ano ang sinasabi. ???? "Aalis na dapat kami because Ethan don' t want to play without you...And Spade decided to go home na couz it's wasting our time"Napalingon ako sa nagsalita.Si Lucas,nakangiti sya sakin kaya nginitian ko rin sya pabalik. Napatango-tango naman ako."Ahh.Ganon ba?"tumango sya."May gagawin pa ba kayo?Kung wala pwede ba kayo umuwi tutal kasama naman na ako ni Ethan, busy ata kayo e" "We have nothing todo...And besides we're not busy...So,we will go with you" taka namang napatingin sa kanya ang mga hunghang at hindi makapaniwala. Nong meron? "What?"iritadong tanong ni Spade ng mapansin nyang nasa kanya ang paningin ng mga hunghang.Agad naman na nagsiiwaasan sila ng tingin. "Wala"sabay sabay na sagot nila bago palihim na sinulayapan si Spade. Ano bang meron? Minabuti ko nalang na tangunin si Ethan na katabi ko lang.Mahina ko syang siniko dahilan para mapatingin sya sakin. "Anong meron?Bakit ganon kayo makatingin kay Spade?"mahinang tanong ko dito. Nginitian nya ako bago tumingkad at bumulong sakin."Kanina kasi nung wala ka,bugnot na bugnot sya dito tapos gusto ng umuwi" "Oh?Tapos?" "Tapos nung dumating ka gusto na nyang mag-stay at sumama satin. Pinagtanggol nya panga tayo sa kanila e"taka ko naman syang tinignan ng makalayo sya sakin. "Panong pagtanggol?"kunot noong tanong ko.Lumapit uli sya at tumingkayad,medyo bumaba naman ako. "Sinisisi kasi nila tayo na hindi daw sila makakapag laro at makakapambabae, ayaw ko kasing maglaro dahil wala ka kaya sabi ni Spade uuwi na daw kami tapos nagreklamo na sila...Tapos ayun!Pinagtanggol na tayo ni Spade"hinihingal nyang paliwanag.Napatango naman ako. Ako naman ang lumapit sa kanya at bumulong."Bago yun ah"bulong ko sa kanya.Tumango-tango naman sya sa sinabi ko. "Hoy!Anong pinagbubulungan nyo dyan ?!"napatingin kami ni Ethan kay Sebastian ng sigaw nyang patanong sa amin ni Ethan "Ha?"tanong ni Ethan. "Anong pinagbubulungan nyo dyan?ulit na tanong ni Sebastian.Pero imbis na sagutin ang tanong ni Sebastian ay iba ang sinabi ni Ethan. "....Halimaw ka"agad akong napakagat sa aking labi bago takpan ng kamay ang aking bibig. Siraulo.... Agad naman na sinamaan ni Sebastian ng tingin si Ethan.Lumapit ito kay Ethan at ilang dangkal lang ang layo nito kay Ethan ng itaas nya ang palad nya na nakabuka. Akmang sasampalin ni Sebastian si Ethan ng bigla nalang nagtago si Ethan sa likod ko. *PAK Ang ending ako ang nasampal...... "Sebastian!"sabay na sigaw ni Lucas at Spade,napasinghap naman ang iba sa ginawa ni Sebastian samantalang ay gulat ako nakatingin kay Sebastian habang nakahawak sa pisngi ko na nasampal nya. Gulat naman syang napatingin sa akin. "Hala!Zaina,Sorry!"gulat na sabi ni Sebastian.Lumapit sya sakin at tinanggal ang kamay ko na nasa pisngi ko na nasampal nya bago iyon himasin. "Sorry, sorry,sorry talaga,Zaina.Hindi ko sinasadya"tarantang sabi nya habang hinihimas ang aking pisngi. Agad ko naman na tinanggal ang kamay nya sa pisngi ko at ngumiti sa kanya. Inayos ko rin ang medyo tumabingi kong salamin. "Okay lang,hindi mo naman siguro sinasadya"nakangiti kong sabi bago himasin ang pisngi ko na nasampal nya. "Medyo masakit lang pero okay lang" nakangiti kong sabi. "Hoy!Sebastian Gabriel!"sabay sabay kaming napatingin lahat kay Ethan ng isigaw nya ang buong pangalan ni Sebastian.Kunot at salubong ang pareho nitong kilay habang nakatingin kay Sebastian."Bakit mo sinampal si Zaina?" "H-hindi---" *PAK Hindi na natapos ni Sebastian ang kanyang sasabihin ng bigla syang sinampal ni Ethan na ikinagulat ko. Napaawang nalang ang ang bibig ko sa ginawa ni Ethan. OMG! "Pasampal din ako"sabi ni Henry bago lumapit kay Sebastian at agad itong sinampal. *PAK "Ako din!" *PAK "Hindi pwedeng kayo lang ang sasampal!" *PAK "Para kay Zaina" *PAK "Unfair kung hindi ako sasama" *PAK "Matagal na akong hindi nakakasampal" *PAK "Hindi ko pa nasusubukan na manampal e,pasubok ah?" *PAK Nakaawang ang bibig ko habang nakatingin sa pila nilang ginawa para lang makasampal kay Sebastian.Masama lang ang tingin sa kanila ni Sebastian pero tinawanan lang sya ng mga hunghang. Namumula narin ang pisngi nya kaya bago pa maging kamatis ang pisngi nito ay pinigilan kona si Ziggy na dapat ay susunod na mananampal. "Hoy,hoy.Tigilan nyo nayan..Kawawa na yung pisngi ni Sebastian oh"sabi ko sabay turo sa pisngi ni Sebastian na pulang-pula na.Nagtawanan naman ang mga hunghang.Mga siraulo ang puta. Nakanguso na hinihimas ni Sebastian ang kanyang pisngi,bumaling sya sakin at ngumiti,pinagkunutan ko naman sya ng noo.Akmang yayakap sya sakin ng panlakihan ko sya ng mata. "Subukan mo at ibabalibag kita" pagbabanta ko dito dahilan para lumihis ang kanyang braso at si Jacob na nakabusangot ang kanyang nayakap.Agad naman itong nagreklamo. "Puta!Kadiri ka Sebastian!Alisin mo nga yang braso mo!"maktol ni Jacob bago alisin ang braso ni Sebastian.Napangiwi nalang ako. Sungit talaga kahit kailan...Tsk...Tsk...Tsk! "Tatayo nalang ba tayo dito o pupunta tayo ng arcade room?"sabay sabay kaming napatingin kay Spade ng magsalita sya.Nakakunot ang noo nya at halatang bugnot na bugnot na. "What?"kunot noong tanong nya ng mapansin na nasa kanya ang paningin naming lahat. Nagsalita ako."Akala ko ba gusto mo ng umuwi?"tanong ko.Napatingin naman sakin ang lahat.Pinagkunutan naman ako ng noo ni Spade. "And?" "Bakit hindi ka pa umuwi?Diba gusto mo ng umuwi?" "What's your point?" "Ang punto ko ay.Bakit ka nandito?E ako naman ang inaya ni Ethan.Tapos uwing uwi kana diba?Uwi kana,nandito na naman ako e.Kaya you may go na" pinagkunutan naman ako ng noo ni Spade. "Inuutusan mo ba ako?"salubong ang kilay na tanong nito.Napahawak naman ako sa baba ko na animoy nag-iisip bago ibalik ang tingin sa kanya. "Ano bang pagkakaintindi mo?" "Inuutusan mo ako" "E di inuutusan kita...yun pala pagkakaintindi mo e"taas baba ang kilay kong na sabi.Lalo namang nangunot ang noo nya. Ay bobo. "Ay obob"sabi ko habang umiiling. Nagsalubong lalo ang kilay nito. "Obob?....What's that?"kunot noong tanong nito.Nagbungisngisan naman ang mga hung hang pero hindi nya iyon pinansin. "Bobo nga talaga...Obob means Bobo" naiiling ka sabi ko habang nakacrossed arm."Tsk...Tsk...Tsk..."naiiling na sabi ko. "Bobo means.......BOBOo ng buhay mo?" Nakangisi nyang sabi sabay kindat sakin. Lahat kami ay natigilan sa sinabi nya han- ggang sa.... "Ayyyiiieeeeeeeeeeeeeeeeeeee!" "Uuuuuuyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!" "Yihiiiiiiiii!" "Si Zaina kinikilig!" "Uyt!Ngingiti nayan!" Napailing nalang ako sa pang-aasar nila. Si Ethan sinusundot-sundot pa ang tagiliran ko..Yung iba naman ay inaasar pa ako.Napangiwi nalang ako. "Ang keso"nakangiwi kong sabi. "Atleast kinilig ka"nakangiting sabi ni Spade.Kinindatan nya muli ako kaya naman napairap nalang ako. Umirap muli ako bago ibalik ang tingin sa kanya."Umuwi kana nga"sinuklay nga muna ang pula nyang buhok bago magsalita. "Uuwi lang ako kung sasama ka"banat nya sabay kindat nanaman sakin habang nakangisi. "Uuwi na yan!Uuwi na yan!Uuwi na yan !"sabay sabay na sabi nila dahilan para pagtinginan kami ng ibang mga dumadaan. Nakakahiya.... "Manahimik nga kayo,ang iingay nyo, nakakahiya"sita ko sa kanila.Nanahimik naman sila pero hindi nakawala sa akin ang nanunuksong tingin nila. Mga siraulo ang puts! "Tara na nga"sabi ko kay Ethan,akmang maglalakad na ako ng biglang magsalita si Spade. "Saan?Sa bahay namin?"masamang tingin ang pinukol ko kay Spade ng sabihin nya yon. "Sasapakin kita"naiinis kong sabi sa kanya,nagbungisngisan naman ang iba pero hindi kona sila pinansin.Nginisian lang ako ni Spade sabay kindat sakin with matching kagat labi pa. Iww!Yuck! "Ng ano?Nang labi mo?"nakangisi nyang sabi sabay tingin sa labi ko. "Bahala nga kayo dyan ah!"kunot noong sabi ko bago sila iwanan don.Narinig ko naman ang yabag ng sapatos ni Ethan papunta sa akin pero hindi kona lang iyon pinansin.Mas lalo akong nainis ng marinig ko ang malakas na tawanan ng mga hung hang. Bwisit!Bwisit!Bwisit! "Nakakainis talaga!"inis kong sabi habang nagmamarcha sa sobrang inis. Narinig ko ang hagikhik ni Ethan sa gilid ko. "Talo ka pala kay Spade e"inis ko syang nilingon.Nakangisi lang sya habang nakatingin sa harapan. "Iiwanan kita dito,deputa ka"inis kong sabi sa kanya.Naramdaman ko naman na nilingon nya ako. " Jok jok nga lang diba?Hihihihi"sabi nya sabay peace sign. "Hey!"sabay kaming napalingon ni Ethan sa likudan ng may sumigaw.Pagtingin namin ay ang tumatakbong si David ang aming nakita. Lumampas naman ang tingin ko kay David at ganon ang pangungunot ng noo ko ng makita ko na nandon parin sila Spade sa pwesto kung saan ko sila iniwanan. Nakita ko ang pagngisi ni Spade sa akin kaya naman inirapan ko ito at binalingan si David na kalalapit lang. "Tara na"sabi ko.Akmang lalakad ako ng matigilan ako sa nakita ko.Medyo malayo ito sa amin kaya hindi ko sure kung sya ito o hindi. Nakatalikod din ito sa gawi namin kaya hindi ko makita kung sya ba ito. "Anong problema,Zaina?"tanong ni David,ramdam ko ang tingin sakin nung dalawa pero hindi kona iyon pinansin. May kausap itong babae na sa tingin ko ay fithteen pababa pero mga kasing tangkad ko lang.Nginting ngiti yung babae at magkahawak pa ito ng kamay. Nang magsideview ito ay nanlaki ang aking mata.Napansin yata nilang dalawa ang panlalaki ng aking mata kaya sabay silang nagtanong. "Zaina,okay ka lang ba?Anong nangyari? "Sabay nilang tanong pero hindi ko sila pinansin. "Oemji"sabi ko.Nilingon ko yung dalawa na may parehong nagtatakang tingin sakin "Dito lang muna kayong dalawa,babalik din ako"nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa.Kahit nagtataka sila ay tumango nalang. Habang papalapit ako ng papalapit sa taong to ay natutuwa ako dahil may masasapok nanaman ako,pero sobra ko syang namiss dahil one month kaming walang communication simula ng bumalik ako dito galing china. "Aha!Sabi kona nga ba!Ikaw yan e!" nakapameywang kong sabi ng makalapit ako.Gulat naman syang tumingin sakin habang yung kasama nyang babae ay takang nakatingin sa aming dalawa. "B-baby g-girl"nauutal at kinakabahan nyang sabi.Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang sya nakitang kinakabahan. "Don't call me,baby girl.....May atraso ka pa sakin"nanliliit ang mata kong sabi. Nakita ko kung paano tumaas baba ang adams apple nito. "Baby girl let me---"pinigilan ko sya sa pagsasalita ng iharang ko sa bibig nya ang hintuturo ko. "Hep!Hep!Hep!Hep!"mabilis kong sabi habang naiiling."At kelan ka pa nakauwi?Hindi ako inform"sabi ko bago tanggalin ang daliri sa labi nito. "Babe,sya ba yung kinu-kwento mo sakin? Pernes ang ganda at ang cute nya,huh"Agad akong napabaling ng tingin sa babaeng kahawak kamay nito. "Excuse me,remove the word 'Maganda' couz I'm cute lang"tumatango-tangong sabi ko. Nanliliit ang mata kong muling bumaling sa kanya na ngayon ay pinagpapawisan na.Lumapit sya doon babae at bumulong. Tumango naman yung babae bago tumalikod,maglalakad na sana ito ng hawakan ko ang braso nito. Nakita ko kung paano nya nasapo ang sari ling noo."Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kasama mo?"taas kilay kong tanong sa kanya.Ilang segundo na ang nakalipas pero hindi parin sya nagsasalita kaya naman humarap ako doon sa babae."Hi,Miss,I'm Zemira Zaina Everleigh..May i know who are you?" plastic kong ngiti sa babae. "I'm Avril San Pedro"nakangiti nitong turan sabay lahad ng kamay.Hindi ko tinangap ang kamay nito kaya napapahiyang binawi nito ang kamay. ".....And I'm his girl friend"palihim kong sinamaan ng tingin ang lalaki. Pingot ka sakin. "Uhmm....San Pedro,pwede bang lumayo ka muna at mag-uusap lang kami nitong boy friend mo?"sabi ko at pinagkadiinan ang salitang 'Boy friend' "Okay,babe,sa mcdo lang ako"sabi ni San Pedro sabay halik sa pisngi nya na ikinaiwas ko ng tingin. "Baby girl---" "Wag mo kong ma baby baby girl dyan, Kuya,sasapukin kita dyan"inis kong sabi. Yes,my second brother name Zain Zaivy Everleigh. "Okay,i'll explain" "Sige nga,paliwanag mo nga sakin yon? Ilang taon na yung San Pedro na yon?Ilang months na kayong may relasyon nung San Pedro na yun"naiinis kong sabi.Agad na nagsalubong ang kilay nya. "Wag mo nga syang Ma-San Pedro,San Pedro...May pangalan sya okay" "E bakit ba nangingialam ka?Gusto ko San Pedro e!Para isama na sya na sya ni San Pedro sa langit"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD