BETTINA'S POV Bumalik nalang ako sa room ko, at tumawag nalang ako ng room service para makapag order ng pagkain. Gutom na rin kasi ako. Nakakainis talaga ang lalaking yon, ano pangaba ang inaasahan ko sa isang playboy? Edi ang maging manyakis. Pagkatapos kong tumawag para sa room service, bumukas bigla ang pinto ng room ko, at kita ko sa mukha ni thunder ang inis at pamumula ng mukha. "Bettina! Why did you do that?!" Galit na sabi niya. Kumuha nalang ako ng magazine sa table na nasa harap ko at binuklat buklat ito habang naka dekwatro. At hindi siya pinansin. Gumalaw naman ang inuopoan ko dahilan ng pag upo niya sa inoupoan kong mahabang couch. "Nakakahiya ang ginawa mo, alam mo bang napagtawanan ako sa baba ng mga guest, dahil nakahawak ako sa alaga ko habang nakahiga sa carpet?!

