BETTINA'S POV Halos lumabas na ang puso ko dahil sa sobrang kabang naramdaman ko ng makita ko siya. Hindi ko alam kung kaba ito dahil sa galit ako sa kanya o dahil nakita niya akong kasama si anthony na magkahawak kamay. Pero mas lalo akong kinabahan ng makalapit na siya sakin, at gusto kong magtago palayo sa kanya dahil sa natatakot ako sa nakikita kong galit sa mukha niya. "Kaya ba hindi mo ako magawang mahalin bettina dahil sa kanya?!" Galit na tanong niya habang tinuturo si anthony na nasa tabi ko na at nakatayo "Sumagot ka!!" Sigaw niya sakin habang nakahawak ng mahigpit sa braso ko, at nasasaktan ako sa hawak niya "Bitawan mo siya, nasasaktan si bettina, at nagkakamali ka ng pag intindi." Sagot ni anthony kaya nabaling ang tingin nito sa kanya "Wag kang makealam dito kung aya

