BETTINA'S POV Pinag sasabunutan ako ni samantha, kaya gumanti rin ako nang sabunot sa kanya, walang ibang tao sa banyo kundi kami lang dalawa. Nag sisigawan kami, habang kinakalmot ko siya at nakakalmot din niya ako. Nang makahanap ako ng pagkakataon, naihiga ko siya sa semento, at pinagsasampal ko siya, hangang sa ako naman ang naihiga niya, ang lakas ng babaeng to, at ako naman ang pinagsasampal niya. Nagpa ikot ikot lang kami sa sahig, hanggang sa maramdaman kong may pumipigil na sa amin, pero ayaw akong bitiwan ng babae kaya hindi ko rin siya binitiwan. Nakapaibabaw ako sa kanyà ng sasampalin ko sana siya ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Kaya nang iangat ko ang tingin ko, si thunder pala na nakitaan ko ng galit sa mukha. Galit ba siya dahil inaway ko ang babae niya?

