BETTINA'S POV Nag simula na akong humakbang paatras, hanggang sa makatalikod na ako sa kanila. Walang ibang lumabas sa bibig ko kundi hikbi ng iyak ko. Habang nanginginig ako sa galit dahil sa nasaksihan kong kataksilan ng asawa ko. Nakalabas na ako ng unit nila at napasadal ako sa sumirado na pinto. Napaupo narin ako dahil sa hindi ko na kinaya ang pagkatayo dahil sa panginginig ng mga tuhod ko. Bakit ba nangyayari sakin to? Umiiyak lang ako hanggang sa may nagpatayo sakin, nakita ko ang mukha ni anthony at bigla ko nalang siyang nayakap dahil sa sakit ng nararamdaman ko, kailangan ko ng taong karamay. Simula ng makita ko ang nangyayari sa loob, sunod sunod na ang nararamdaman kong pag saksak sa puso ko. Umiiyak lang ako sa pagitan ng yakap namin ni anthony, at parang wala ng katapu

