chapter ten

1595 Words
Nagising ako ay umaga na. Pakiramdam ko may nakadaganan pa sa akin. Napatingin ako sa aking dibdib. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang dalawang braso na nakayapos sa akin. Paniguradong pagmamay-ari ng mga ito ni Suther. Alam ko kasing siya lang ang kasama ko simulang umalis kami ng Cavite. Bahagya akong gumalaw para makaalis pero nagkamali ako. Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin! Mas lalo ako hindi makagalaw sa estado kong ito! "Gising na, my kitty?" Namamaos niyang tanong. "Y-yeah..." Mahinang tugon ko. Doon ay pinakawalan na niya ako. Humarap ako sa kaniya ngunit nanatili pa rin kaming nakahiga. Sakto din na nagtama ang mga paningin namin. "Good morning, my kitty." Nakangiting bati niya sa akin. Pero pucha, bakit ang guwapo ng lalaking ito kahit bagong gising?! "Finally, I woke up beside you." He said. Hindi ako makapagsalita. Sa halip ay pakurap-kurap akong nakatingin sa kaniya. "May problema ba, my kitty?" He asked. "May ginawa ba akong kagagahan kagabi? Wala akong natatandaan, eh." Tanong ko. Ngumiti siya at hinaplos niya ang aking pisngi. "Wala naman..." Pumikit ako at nakahinga ng maluwag. "Buti nalang." "Gutom ka na ba? Gusto mo bang magbreakfast na tayo? Ihahatid pa kita sa inyo." Aniya. Bumangon pero napadaing ako na biglang kumirot ang aking ulo. Napasapo ako sa aking noo. Bumangon din si Suther na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "Laraya..." Mapait akong ngumiti sa kaniya. "Don't worry, ililigo ko lang ito." Sabi ko pa bago ako tuluyang nakaalis ng kama. Peor natigilan ako nang may narealize ako. Nilingon ko si Suther. Isang pagtatakang tingin ang ibinigay niya sa akin. Tumingin ako sa bed sheet. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. "W-wala naman nangyari sa atin kagabi, hindi ba?" Malapad siyang ngumiti. Tinakpan niya ang kaniyang mukha at napahiga sa kama habang patuloy pa rin siya sa kaniyang paghalakhak. "Arghhh! Why you're so cute, my kitty?" Napapadyak ako sa sahig. "Suther naman, eh! Nagtatanong ako ng maayos!" Umalis siya sa kama at lumapit sa akin. Parang hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na yakapin ako. Isiniksik pa niya ang kaniyang mukha sa pagitan ng aking panga at leeg. "Hindi ko gagawin sa iyo ang bagay na 'yon lalo na kapag lasing ka. Kahit girlfriend pa kita." Sabi niya. Pumikit ako. Mas lalo ako nakahinga ng maluwag. Parang tama lang talaga na si Suther ang boyfriend ko... Tama nga si Guia. Alam ko na kung bakit gusto niya ang lalaking ito para sa akin kumpara kay Ricky. "Sigurado ka bang nandito sila, ahia?" May naririnig kaming boses na papalapit dito sa direksyon namin. "Nakabukas itong gps ni Suther, malamang iyan, narito iyon. Basta, kasama natin itong sina Finlay at Keiran, madali natin matanungan ang receptionist." Sabi pa ng isa pang lalaki. "Oh shit." Rinig kong mariin at malutong na mura ni Suther. Kakalas na sana siya ng yakap sa akin nang nagbukas na ang pinto. Lahat kami ay natigilan nang maabutan nila kami sa ganitong posisyon! Maraming lalaki at nag-iisang babae ang nasa harap namin. Hindi lang 'yon, lahat sila ay laglag ang panga maliban lang sa dalawang lalaki na nasa bandang kaliwa na parang alam nila ang kahahatungan nito. "See? Dapat marunong kayo kumatok." Sabi ng isa pang chinito. Mukhang suplado. "Finn, hindi uso sa kanila iyon. Basta marunong sumugod, iyon na iyon." Sagot ng isa pa sa kaniya at sumandal sa pader. Tumingin siya sa kinaroroonan namin. "Pagpasensyahan mo na, Suther. Alam mo namang walanghiya itong mga pinsan natin." Ramdam ko ang pagbitaw sa akin ni Suther. But wait, ano? Pinsan niya ang mga iyon?! Bigla ko naalala ang picture na ipinakita sa akin ni Guia noong nakaraan lang! Ibig sabihin, ito na talaga? Sila talaga ang mga pinsan ni Suther?! "What the f**k are you doing here?!" Hindi mapigilang bulyawan ni Suther ang mga bagong dating. "Nagtataka kasi si Kal kung bakit hindi ka sumama sa amin sa gig ni Flare nitong nakaraan lang." Sagot ng lalaking suplado ang hitsura sabay turo sa tinutukoy iyang Kal. "They spying you, actually." "Pasensya na, cous. Hindi namin alam na..." Hindi matuloy ang sasabihin n'ong Kal. Lumapat ang tingin niya sa akin. "May kinahuhumalingan ka na ngayon." Muli nagpakawala ng mura si Suther. Napahilamos siya sa kaniyang mukha dahil sa frustration. Kulang nalang ay sipain ang mga ito palabas ng kuwartong ito. "Uhmm..." The girl trailed off. "Hihintayin ka nalang namin sa Nobu Resto, magpalit na kayo ng damit. Sabay na tayo magbreakfast. Bilisan ninyo dahil naghihintay doon sina Naya at Pasha doon." Tinalikuran niya kami at pinagtutulak niya ang mga kasama niya para makalabas dito. "Faster, ahias! Give them space, aright?" Hanggang sa wala na sila sa aming paningin. Napatingin akokay Suther na nakangiwi.Tumingin din siya sa akin. Mahina niyang tinampal ang kaniyang sarili sa harap ko. Mukhang problemado siya. "I'm so sorry for what happend, my kitty." He murmured. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking mga labi. "Wala na rin tayo magagawa, Suther." Sabi ko kahit sa loob-loob ko pa ay nahihiya ako. After maligo at nakapagbihis ay sabay na kaming lumabas ni Suther para puntahan ang mga pinsan niya sa Nobu Resto kung saan naghihintay ang mga ito. Pansin ko na hindi niya magawang bitawan ang kamay ko habang papasok na kami sa naturang Resto. For the third time, namangha na naman ako. Malawak ang resto. It must be a buffet. Spacious and elegantly-style ito. Pansin ko lang na kakaunti palang ang naririto. Bukod pa doon ay napaka-cosy dito. May umagaw ng atensyon namin na may kumakaway sa hindi naman kalayuan sa amin. Kumpul-kumpulan sila doon. Hindi ko akalain na marami ang mga pinsan ni Suther. Parang ang lagay ay kung nasaan ang isa ay naroon ang lahat. Iyon ang aking naobserbahan. Dinaluhan namin ang grupo na iyon. Dalawang babae agad ang napansin ko. Pareho silang magaganda pero ang bait tingnan. Pawang mga diyos at diyosa ang mga kasamahan ko dito. Grabe. Biglang tumayo ang babae na kasama sa mga sumugod sa hotel room kanina. Malapad siyang ngumiti sa akin. "You must be... Laraya Moquerio?" Tanong niya sabay lahat niya sa kaniyang palad. "I'm Fae, pinsan din ni Suther ahia. Including these five olupongs... Keiran, Finlay, Archie, Kal and Vladimir." "Aw, harsh, cous." Sabi ng lalaking sa dulo. I think he has a playful aura. "Yow, I'm Kal!" "And these girls are Naya, Keiran's girlfriend... Pasha, Finlay's girfriend." "Oy, Suther, aba, pakilala mo naman iyang girlfriend mo." Sabi ng lalaking katabi n'ong Kal. Sa pagkaalala ko ay Vladimir ang kaniyang pangalan.  Walang sabi na pinulupot ni Suther ang isang braso niya sa aking bewang na dahilan para mas lalo mapalapit ang katawan ko sa kaniya. " Guys, this is Laraya, my kitty." Kumunot ang noo nung Keiran at Finlay. "My kitty?" Sabay pa nilang inulit iyon. "What's with that endearment? Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan, ah." Segunda pa ng isa ni Kal. Napalunok ako. Ginapangan ako ng kaba, ano bang isasagot ko? "Huwag mo nang tanungin, Kal. That's private." Malamig na turan ni Finlay. Tumayo ito. "I'm starving. Can we eat na? Babe, let's go?" Tumayo si Pasha na nakangiti at nauna na siyang kumuha ng pagkain. Sunod naman tumayo si Keiran. "Yeah, same here. Kailangan ko na din pakainin si Naya. Hindi pa siya kumakain habang papunta kami dito" Inaalayan niya ang girlfriend niya na tumayo hanggang sa umalis na din sila. "Wengya, tatlo na sila na makikita ang kakornihan nila sa katawan." Ani Kal. "Hayaan mo na sila, ahia. Palibhasa kasi, umuurong dila mo kapag nasa harap mo na si Tarrah Ongpauco." Nakangising sabat ni Fae sa kaniya. Ngumiwi lang si Kal. Ramdam ko nalang na hinawakan ni Suther ang kamay ko para kumuha na din kami ng pagkain.  Ilang saglit pa ay iba't ibang japanese food na ang nasa harap namin. Meron ding mga pancake and french toast. Ang tanging kinuha ko lang Shioyaki, Silken Tofu hotpot at Tapsilog (Nobu style daw). Panay kwentuhan at asaran ang maririnig ko dito sa pwesto namin. Maliban nalang kina Keiran, Finlay at Suther na panay asikaso nila sa amin. Masaya kasama ang mga pinsan nila. Tinatanong din nila tungkol sa akin. Pinaparamdam nila sa akin na belong ako sa grupong ito. After din namin kumain ay nagpasya na ni Suther na pumunta sa reception para magcheck out na din. Sadyang nagpaiwan ako dito sa mga pinsan niya na ngayon ay abala silang kausapin ako. "Ibig sabihin, ikaw pala ang kasama ni Suther sa Tagaytay." Hindi iyon tanong, statement. Si Vladimir ang nagsabi n'on. "At talagang nagpagawa pa si Suther ng anklet..." Fae giggled. "What?!" Bulalas ng mga magpipinsan na lalaki. "Seriously?!" "Yeah," Fae answered then she extended her arms to hug me. "Oh! Welcome to the family, Laraya!" Napangiti ako. Niyakap ko din siya pabalik. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang lambing pala nito ni Fae. Ilang saglit pa ay bumalik na si Suther. Sabay na din kami lumabas para puntahan na ang Parking Lot. I'm kinda surprise na kani-kaniya silang pumasok sa mga sariling sasakyan! "Suther," Tawag ko sa kaniya nang nasa loob na kami. Pansin ko kasi parang ayaw niyang bitawan ang kamay ko. "May problema ba?" Bumaling siya sa akin na nakangiti. "I'm thinking something..." Tumaas ang isang kilay ko. "Ano naman ang iniisip mo?" Bago man siya sumagot ay bumaba ang tingin niya. Sinundan ko iyon. Nakatingin kami sa aming mga kamay na nakahawak sa isa't isa. "The only thing I want to change about you is this ringless finger on your left hand..." Muli ako tumingin sa kaniya. I'm a little bit puzzled. "S-Suther..." Tumingin din siya sa akin na hindi mabura ang ngiti sa kaniyang mukha. "You're gonna be my bride, someday, Laraya. I'm willing to lose my singleness and freedom I always had before I met you." Inangat niya ang mga kamay namin at dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad pero hindi maalis ang tingin niya sa akin. Damn it, parang hindi na naman ako makahinga! "I love you, Laraya." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD