chapter nineteen

1614 Words
Hindi ko maiwasang hindi mamangha nang narating na namin malaking bahay ni Suther na nasa isang exclusive subdivision dito sa Cavite. Nabanggit niya sa akin na kapitbahay niya daw ang mga pinsan niyang sina Keiran, Finlay, at Kalous pati ang mga asawa nitong sina Naya, Pasha at Tarrah. Including his other cousin Archie, Vaughn and Harris. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka pumasok kami sa loob. Napasapo ako sa aking bibig nang biglang may pumutok at sinalubong kami ng maraming tao dito sa Salas ng bahay! "Welcome back in the family, Laraya!" Sabay-sabay nilang bati sa amin. Hindi ko magawang magsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya na tila hindi pa rin ako makapaniwala. I can see in their eyes, they never doubt na ako nga ang nawawalang asawa kuno ni Suther. Bakas sa mga mukha nila na kilalang kilala nga nila ako. May namataan din akong limang babae at isang lalaki na hindi rin makapaniwala sa kanilang nakikita. Agad ako nilapitan ng mga iyon at walang sabi na niyakap nila ako ng sobrang higpit. Ang iba sa kanila ay naiiyak. "Anak ko..." Humihikbing tawag sa akin ng babae na mahigpit ang yakap sa akin. "Totoo nga ang sinasabi ni Suther, buhay ka pa, anak..." Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko, maliban nalang sa nagulat ako sa mga narinig ko. Anak? Ibig sabihin, may pamilya pa pala akong naiwan dito sa Cavite? Pero, ang sabi sa akin ni Bryant, patay na daw ang mga magulang ko. Pareho daw kami nawalan ng mga magulang... Ikinulong niya ang mukha ko nang kumalas siya ng yakap sa akin. Basang basa ng mga luha ang kaniyang mga mata. "I'm glad your back and alive, Laraya..." Dagdag pa niya. "Lara..." Tawag sa akin ng isa pang babae kanina pa umiiyak. Katabi ng nanay ko daw. "Nalaman namin na nawalan ka daw ng alaala... Ako si Guia... Ang pinsan mo." Saka niyakap niya ako. "Sobrang nag-alala kami... Hindi pa rin kami tumitigil na hanapin ka..." Napatingin ako sa direksyon ni Suther. He's smiling with a relief. Parang kuntento na siya sa mga nakikita niyang eksensang ito. Parang masaya siya para sa akin... "Hindi pa rin kami susuko para bumalik lang ang mga alaala na nawala sa iyo, Laraya..." Sabi ng isa pang babae na nasa likuran lang n'ong Guia na nagpakilala sa akin. "Ako naman si Emily, pinsan mo din. Si Tepan ay kapatid ko..." Ipinakilala niya sa akin ang katabi niyang lalaki. Ngumiti lang ako. May lumapit na lalaki kay Suther. Mahina nito tinapik ang balikat ni Suther. "May nakausap na akong psychiatrist. They will treat her through psychotherapy. Anytime, pwede ninyo nang puntahan ang doctor na iyon." "Thanks, Kal." Sagot ni Suther. "You're welcome. Laraya is part of this family, too. Matutulungan ka namin kung ano ang kaya namin." - Nagkaroon ng unti-unting salo dito sa bahay ni Suther. Ipinakilala din ng mga pinsan ni Suther ang kani-kanilang sarili sa akin. Wala pa rin ako maalala ni isa tungkol sa kanila. May mga maid din siya dito. Tumutulong ako sa pag-aasikaso sa mga bisita. Ayaw pa nga nila maski si Suther, pero sadyang nagpupumilit lang ako. Hindi ako sanay na nakatengga lang at nanonood sa kanila. "Welcome party mo ito, Laraya. Dapat ay ikaw ang inaasikaso." Sabi sa akin ni Guia, sinasamahan niya akong maghugas ng mga pinggan dito sa Kusina. Napag-alaman ko na isa na siyang guro ngayon ng Sekondarya sa isang public school. "Hindi ako sanay, Guia." Nakangiti kong sabi. "At saka, chamber maid ang trabaho ko sa Batanes, kaya sanay na ako sa mga ganitong gawain." "What? Chamber maid?" Hindi makapaniwala niyang bulalas. "Buti hindi nagalit si Suther na ganoon ang trabaho mo. Naku, noong hindi ka pa nawalan ng alaala, prinsesa ang turing niya sa iyo!" Natigilan ako. Bumaling ako sa kaniya na may pagtataka sa aking mukha. "Prinsesa?" Ulit ko pa. Tumango siya. Sumandal siya sa sink at humalukipkip. "Oo kaya! Saksi ako kung papaano ninyo mahal ang isa't isa, Laraya. Handa niyang kumabit sa iyo noong kayo pa ni Ricky." Kumunot ang noo ko. "Ricky?" Muli siyang tumango. "Yeeep! He's your ex-boyfriend na makapal ang feys na apat-apat ang babae—" Nabitawan ko ang pinggan na hawak ko. Bumagsak iyon sa sahig at nabasag. Napatili si Guia sabay napasapo ako sa aking ulo dahil bigla na naman sumakit ang aking ulo. "My goodness, Laraya!" Tili pa niya. "Ang sa-kit, Suther... Ayaw ko na siyang makita pa..." "I know, I know...What do you want to do to forget the pain, my kitty?" "Hindi ko alam... Kung saan ako mag-uumpisa." "Just come and stay with me, my kitty. Tutulungan kitang makalimutan siya. Is that okay?" "Papano, Suther? Papaano?" "I'll be your second mate to running this ship, I'll always here to support you even your pain, hurt and sadness. I love you, Laraya. Be mine and I don't care if I'll be your rebound this time. I'll make sure that you will fall for me in the end, big time." "Suther..." "Kahit hindi ko muna kunin ang sukli kung papaano ka magmahal, hayaan mo lang ako na ibuhos ko ang meron ako. Pagbigyan mo lang ako ngayon." "Damn, Layara. I'm getting crazy for you. I don't know why, all I know is... Everytime I see you, my heart becomes warm. I love you, my kitty. I love you..." "I love you too. "Anong nangyayari?!" Rinig kong boses ni Suther na papalapit sa amin. "I... I was mentioned about Ricky..." Natatakot na sagot ni Guia. "s**t!" Malutong na pagmura ni Suther. Binuhat niya ako na parang bagong kasal. "Please clean this mess." Ang tinutukoy niya ang nabasag kong pinggan. "I'm so sorry, Suther! I'm sorry, Laraya!" Rinig ko pang sabi ni Guia na naiiyak na ngayon. "It's alright, Guia. I'll take her to my room." Wika pa ni Suther saka kumilos na siya. "S-Suther..." Daing ko sa kaniyang pangalan. He plant na small kiss on my forehead. "It's alright, it's alright, my kitty... Dala ko ang gamot mo..." Mahina niyang sabi. Until we reached his room ay buhat-buhay pa rin niya ako. Si Fae ang nagbukas ng pinto para sa amin. Agad dinaluhan ni Suther ang kama at maingat niya akong hiniga doon. Naligaga siyang kunin ang bote ng gamot ko sa bagahe. Rinig ko pa na inutusan niya ang isa sa mga pinsan niya na kumuha ng tubig. "What happend, Suther?" Nag-alalang tanong ng isa sa mga pinsan niya na pagkaalala ko ay si Fae. "Is she gonna be alright?" "She will, Fae. All she need to take some rest." Sabi ni Suther. "Heto na ang tubig." Rinig kong boses ni Vladimir. Inabot niya iyon sa akin. Ininom ko ang gamot, pagkatapos ay pinahiga na ako para makapagpahinga na. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang may mga alaala na sumasagi na naman sa aking isipan. Parang balewala ang gamot na ininom ko. "Labas muna kami, Suther." Rinig kong boses ni Keiran. "Tatawagan namin ang doktor na nakausap ni Kal." "Thank you," Hanggang sa nagsara ang pinto ng silid ni Suther. "My kitty," Nag-alalang tawag niya sa akin. "Masakit pa rin ba? May magagawa ba ako?" Tumagilid ako ng higa, halos sabunutin ko na ang aking buhok dahil sa sakit. Naiiyak na ako dahil sa sakit. "Laraya..." *** Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay parang may nakadaganan sa akin. Bahagya kong iginalaw ang aking ulo para libutin ang aking mga mata sa paligid. Medyo madilim. Nahagip ng aking paningin ang balkonahe dito sa kuwarto ni Suther. Gabi na. Hindi ko lang kung anong  eksaktong oras na. Basta ang nakikita ko ay gabi na. Napatingin ako sa aking bewang. May  braso na nakapulupot doon. Dahan-dahan akong gumalaw. Nakatulog pala ako ng sobra dahil sa sakit ng ulo ko na kulang nalang ay inuntog ko ang sarili ko sa pader. Maingat kong inalis ang isang kamay ni Suther para makawala ako hanggang sa tagumpay akong nakaalis sa kama. Nilibot ko ang aking sarili sa buong silid. Napatingin ako sa wall clock. It's already eight in the evening. Ganoon pala kahaba ang tulog ko? May isang bagay na nakakuha ng aking atensyon. Isang litrato. Nilapitan ko iyon at hinawakan. Pinagmasdan ko ito ng mabuti. Litrato naming dalawa ni Suther. Nakuhaan ito ng kasal namin. It was like a candid shot. Pareho kaming nakangiti. Masayang masaya kami sa kaganapan ng araw na iyon. Sa barko pa naganap ang kasal na ito. Napangiti ako. "Laraya?" Napatingin ako sa kama. Gising na si Suther. Agad siyang umalis doon at nilapitan niya ako. "Suther..." Tawag ko sa kaniya. Dumapo ang tingin niya sa hawak ko ng ilang segundo saka ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. "T-that was out wedding... Evidence that you are married to me..." May halong panghihina at takot nang sabihin niya iyon. Ibinalik ko ng aking tingin sa litrarto. "I know." Tugon ko. Tumingin ako sa kaniya na may ngiti sa aking mga labi. "We're trying to escape for your ahma that time. We're both fighting for our love, Suther." Saka ibinalik ko ang litrato mula sa kinalagyan nito. Tila natulala siya sa aking sinabi. Hindi na niya mapigilan ang sarili niyang maiyak sa harap ko. Sinunggaban niya ako ng isang mahigpit na yakap. 'Yung tipong ayaw na niya ako pakawalan pa. "Finally, you're back!" His voice cracked. Niyakap ko siya pabalik. "I'm sorry to made you wait for too long, Suther." Hindi ko na rin mapigilang mapaiyak. "Yes, I finally remember eveything... My mind may forget you but heart still remember how much I love you, my husband..." Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Your waiting is now over, Suther." Kumalas siya ng yakap sa akin. Hinalikan niya ang noo ko, ang tungki ng aking ilong hanggang sa napunta iyon sa aking mga labi. Tinungunan ko ang halik niya. "I know I've hurt you for losing my memories, but I didn't mean it... I'm sorry..." Sabi ko nang humiwalay ang mga labi niya sa mga labi ko. "You don't have to say sorrry, my kitty. The more important is you're now here. Back into my arms." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD