Hindi ko namalayan ang mga araw na nagdaan. Dalawang buwan na pala ang nakalipas buhat naging kami ni Suther. Masasabi ko na wala naman nagbago sa relasyon naming dalawa. May mga nagbago lang ng kaunti. I mean, mas lalo nagiging sweet ang boyfriend ko. Mas dumoble pa yata ang kasweetan niya sa katawan. Hindi siya nagkulang bilang boyfriend ko. Palagi pa rin niya ako hinahatid-sundo sa State University.
Siya pa ang nagreremind sa akin pagdating sa school works ko. Minsan pa nga ay tinutulungan niya akong magreview.
Sanay na din ang mga pinsan ko sa kalandian naming taglay. Natatawa nalang ako sa kanila. Talagang gustong gusto na magkaroon ni Guia ng boyfriend. Si Emily naman, wala pa daw sa isip niya na magkaboyfriend o ano. Masaya siya sa pagiging single niya. Talagang nagiging circle of friends ko na din ang mga pinsan ko, sino bang mag-aakala n'on?
May mga naging kaibigan naman ako sa unibersidad pero, alam mo 'yon? Civil lang ako sa kanila. Ni tipong mga sikreto ko ay hindi ko pinapaalam sa kanila. Masyado akong private na tao sa harap nila.
Panay layo naman sa akin ni Bryant sa hindi ko naman malaman na dahilan. Sa tuwing nagtatangka naman akong lapitan siya para kausapin ay inunaha na niya ako ng layo. Dalawang buwan nang nakalipas, ibig sabihin, hindi pa rin ba siya nakamove on sa nangyari noon?
Tungkol naman sa nambastos sa akin na si Tobey Aguirre, hindi na ako ginalaw n'on. Nabigla nalang ako kinabukasan ay nagdrop out na ito. Alam kong dahil sa magpipinsang Ho. However, I know Suther was living in a luxury life. I bet his family is powerful and respectable by the many. Iyon nga lang ang kutob ko.
"Pabalik na daw po siya, Lola..." Rinig kong sabi ni Emily kay Lola habang na bakuran kami para magmeryenda. Wala kaming pasok ngayon. Nasa kuwarto si Guia ngayon, natutulog.
Tahimik lang tumango si lola. Kita ko na malalim ang kaniyang iniisip.
"Huwag naman sana siyang dumaan dito." Bakas sa boses ni Tepan ang pag-aalala.
Ano ba ang ibig nilang sabihin? Sino ang tinutukoy nila na pabalik na? Bakit parang takot sila kung sinuman ang dadating? Sa pagkaalam ko ay wala naman kaaway si Lola.
"Sino po ba ang tinutukoy ninyo?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanila iyon.
Bumaling sila sa akin. Ngumiti sa akin si Emily, alam kong peke iyon. "Wala, huwag mo nalang itindihin..."
Nagkibit-balikat ako saka ngumuso. Tumayo ako at lumipat sa duyan. Feel kong magpahangin muna. Hawak-hawak ko ang cellphone ko at kinulikot ko iyon habang nakaupo na sa duyan. Nakatanggap ako ng text message mula kay Suther. Hindi siya makakabisita ngayon dito dahil sa importanteng bagay.
FROM : SUTHER
Family gathering is hell.
Napangiti ako nang mabasa ko ang text message niyang iyon. Tumayo ako ng tuwid. Inilapat ko ang mga labi ko at nagtipa ako ng mensahe para sa kaniya.
TO : SUTHER
Minsan lang iyan, pagbigyan mo na. Hindi mo ba namiss ang lola mo?
Then I hit send.
Inuugoy-ugoy ko ang duyan. Sumandal ako at napatingin sa kalangitan. Hindi mabura sa aking mga labi ang ngiti. 'Yung feeling na hindi ako nagi-iistress dahil kay Suther? Wala akong naencounter na problema sa kaniya. Wala din naman akong gingawa kaya walang away. Kung tampuhan man, sobrang minor lang 'yon. Naaayos din namin agad iyon.
Natigilan ako nang bigla ulit tumunog ang cellphone ko. Excited akong mabasa ang reply niya pero natigilan ako sa aking nabasa.
FROM : SUTHER
Finlay got a fixed marriage. Not to Pasha.
Umaawang ang bibig ko.
TO : SUTHER
How about Pasha? What happened to her? Is she alright?
Biglang may sumagi sa aking isipan. Papaano din ang relasyon nina Keiran at Naya?
FROM : SUTHER
We're looking for her, my kitty.
Ipinatong ko sa aking kandungan ang aking cellphone. Dahil sa mensahe na natanggap ko, naging blangko na ang pag-iisip ko. Ang daming katanungan sa sa isip ko na nabuo. Papaano kung si Suther ay ganoon din? Papaano kung siya din ay ipapagkasundo kung kani-kanino?
Ginapangan na ako ng kaba at takot.
Muli tumunog ang cellphone ko. Hindi na iyon text message kungdi tawag. Sinisigaw ang pangalan ni Suther sa screen. Hindi ako nag-atubiling sagutin 'yon. "Suther..."
"My kitty? Are you alright?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Ayos pa naman ako, I'm worried for Pasha." I answered. "Nakita ninyo na ba siya?"
"No, not yet. I'm here at Keiran's car. Looking for her." I heard him sighed. "My kitty, whatever it takes, please stay with me. Don't ever dare to leave me just because of this f*****g tradition."
Kinagat ko ang aking labi. Tumango ako kahit na hindi naman niya iyon makikita. "I will. Please take care, Suther. Mag-ingat kayo ni Keiran pati ng mga pinsan mo."
"Yes, my kitty. I love you."
Marahan akong pumikit akong pumikit. "I love you too." Tugon ko. Ako na din ang pumutol ng linya.
Dumilat ako at napatingin ulit sa kalangitan. Huminga ako ng malalim. Sana talaga, hindi kami dumating sa ganoong punto. Sana talaga...
-
It was Sunday afternoon. Nagising ako mula sa siyesta. It's already three. Bumangon ako't kinusot ang aking mga mata. Umalis ako sa kama para lumabas na nang marinig akong ingay mula sa labas.
Kumunot ang noo ko. Rinig ko ang mga boses nina Lola Loreta, Emily at Guia. May naririnig din akong hindi pamilyar na boses.
"Where is she, Loreta?!"
Sino ang tinutukoy n'on?
Hindi ko malaman kung ang nagtulak sa akin para pihitin ang pinto hanggang sa nakalabas na ako ng kuwarto. Nagtataka ako dahil bumungad sa akin ang isa pang matandang babae. Chinita ito at maputi. May dalawang lalaki at isang babae itong kasama na nasa likuran niito.
"Mama, huminahon ka..." Sabi ng isang lalak.
"Bitawan mo ako, David!" Pagpupumiglas ng matandang babae.
Nakuha ko ang kanilang atensyon nang tuluyan na akong nakababa. Bigla bumuhay ang kaba sa aking sistema nang makita ko nang tuluyan ang babae. Hindi ko alam kung bakit bigla ako naintimidate sa kaniya, she's like superior or something...
Taas-noo niya akong tiningnan. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "So, this is your granddaughter, Loreta." Mariin niyang sambit.
Ano bang ibig niyang sabihin?
"So, you are the one who stepped at Ms. Jenna Tan?" She asked while she stare at me with her cold eyes. "And you are also my grandson's girlfriend."
"Y-yes, madame." Nagawa kong sagutin ang kaniyang tanong.
Ngumiti siya na may halong panunuya. "At talagang ipinagmamalaki mo pa?" She said.
Wait... s**t! Siya ang lola ni Suther?! Siya ang lola nila na dahilan kung bakit nagkaproblema sina Finlay at Pasha ngayon?!
She released a small sighs. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you to break up with my grandson. I know you know what I mean."
"Eufemia..." Suway sa kaniya ni Lola Loreta.
Bumaling siya sa lola ko. "Oh, shut up, Loreta! Kung hindi mo rin kagagawan, hindi mangyayari ito. Kung hindi ka konsintidora, hindi malalagay sa alanganin ang apo mo!" Hindi niya mapigilang singhalan si Lola Loreta.
M-magkakilala pala sila? Kailan pa?
"Dahil walang kinalaman ang mga batang ito sa nakaraan." Sagot ni Lola Loreta. Pilit maging matatag sa harap ng lola ni Suther. "Kung sa akin ka galit, haharapin ko. Pero ang apo mo at ang apo ko, wala na silang kinalaman dito!"
"Manahimik ka, Loreta! Dahil sa iyo, nagkadaleche-leche ang buhay ko!"
"Hindi ko kasalanan kung bakit hindi kayo ni Alejandro sa huli! Alam niyang hindi rin kayo magkakatuluyan lalo na't ikakasal ka na dapat kay Joselito. Wala kang magawa. Kasalanan mo iyon dahil hindi mo kayang harapin ang sitwasyon noon!"
Nanigas ako sa kinakatayuan ko, kasabay sa pagpiga ng aking puso sa aking mga nalaman. Ibig sabihin, mag-ex sina lolo Alejandro at ang lola ni Suther? W-what...
"Ang kapal ng mukha mo para sabihin mo sa harap ko iyan, Loreta. Eh ikaw nga ang nang-agaw! Talagang pinagdikdikan mo ang sarili mo sa kaniya noong nalaman mo na naghiwalay na kami! Ha!" Saka tinuro ako. "At talagang may pinagmanahan ang isang ito. Manang-mana sa iyo! Pareho kayong mga malalandi!"
Halos mapunit na ang aking labi sa kakagat. Hindi ko akalain na ganito kasama ng lola mo, Suther...
"Mawalang galang na po..." Bigla akong sumingit. "Hindi naman sigurong tama na basta-basta ninyo lang aakusahan ang lola ko, Madame."
"Shut up, will you?!" Galit na galit niyang sabi sa akin.
"Hindi ako mananahimik dahil tinapakan ninyo ang pagkatao namin. Kung gusto ninyong hiwalayan ko ang apo ninyo, bigyan ninyo ako ng isang mabigat na dahilan. Family traditions? Dahil sa hindi ako chinese na tulad ninyo? Dahil sa hindi ako mayaman? Dahil apo ako ng kinasusuklaman ninyo? No, para sa akin, mapakababaw ang dahilan na iyan, Madame." Pilit kong maging kalmado kahit na sumisiklab na ang apoy sa sistema ko.
Lahat sila ay natigilan sa sinabi ko. Rinig ko ang pagsinghap ng iba sa kanila. Maski ang mga kasama niya ay natigilan sa aking sinabi.
"L-Laraya..."
"Hinding hindi ko bibitawan si Suther hangga't marinig ko mismo sa kaniya na hindi na niya ako mahal, Madame." Seryoso kong sabi. "Hindi ako nakatayo dito para magmakaawa sa inyo, nakatayo ako sa harap ninyo para sabihin na mahal ko ang apo ninyo."
Kita ko ang panggagalaiti sa kaniyang mukha. Nanginginig pa ang kaniyang mga kamay niya na tila nangangati na sampalin ako.
Humakbang siya ng isa palapit sa akin. Dinuro niya ako at tiningnan niya ako sa pamamagitan ng matatalim niyang tingin. Nanlaban din ako ng titig sa kaniya. "I'll never forget this. Pag-isipan mo kung sino ang kinalaban mo. Tingnan natin kung hanggang saan ang tatag at ipinaglalaban mo." Matigas niyang sabi saka umalis na siya sa harap ko. "Tonta!" Sigaw pa niya nang nakalabas na siya sa bahay.
Nanatili lang nakatingin sa akin ang tatlong kasama ni Madame Ho. Pareho silang nakangiti sa akin pero nanatili pa rin akong nagtataka kung bakit ginawa nila iyon. Hinatid ko lang sila ng tingin hanggang sa nakaalis na sila sa bahay.
Pumikit ako ng mariin at napasapo sa aking dibdib. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.
"Oh my god, Laraya! Nagawa mong sabihin iyon sa lola ni Suther?!" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Emily.
Hindi ko magawang sumagot. Bumagsak ako sa sahig. Agad ako dinaluhan ng mga pinsan ko at ni Lola. Late reaction yata ang katawan ko. Ramdam ko na nanginginig ang mga tuhod at mga kamay ko dahil sa paghaharap namin ng lola ni Suther.
"Laraya!"
Napatingin ako sa pinto. Si Suther! Parang hapong-hapo siya sa lagay niya ngayon. Lumipas na ng labing limang minuto buhat na umalis ang lola niya dito.
"Suther..."
Natataranta siyang lumapit sa akin. Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko. "Are you alright? Nalaman ko sa mga pinsan ko na sumugod si ahma dito..."
Mapait akong ngumiti. "Okay lang ako. M-medyo lang pala."
Bigla niya akong niyakap na mahigpit. "I'm sorry, I'm sorry..."
Yumakap ako pabalik. "Wala kang kasalanan, Suther... Don't worry." Sabi ko.
"Suther! Laraya!"
Kumalas ng yakap sa akin si Suther. Lahat kami ay napatingin sa pinto. Naroon ang mga pinsan niya. May pag-aalala din sa kanilang mukha.
"Nalaman ko kay tito ang nangyari. I got a text from him." Wika ni Kal. "You need to get outta here."
Kumunot ang noo ko. "A-anong ibig ninyong sabihin?"
"Knowing Ahma, hinding hindi ka niya titigilan, Laraya." Dagdag pa ni Fae. "It's better kung magpakalayo-layo kayo. Ikaw ang target niya ngayon."
Bumaling ako kina Lola at sa mga pinsan ko. "Papaano sila?"
Ngumiti si lola at hinaplos niya ang aking buhok. "Huwag mo akong alalahanin, apo. Narito naman ang mga pinsan mo. Alam kong hindi naman nila ako pababayaan."
"Mag-impake ka na, Lara. Kami na ang bahala. Kami ang maghahatid sa inyo ni Suther sa pier." Wika ni Kal.
I have no choice. Tumango ako at nagmamadali na akong pumasok sa kuwarto para mag-impake na ng mga damit.