TBM#24 “ANG DAYA-DAYA MO TALAGA,” Napangiti si Heejhea sa pagmamaktol ni Lenna. Hindi nito matanggap na aalis na siya sa Foundation. Nasa recreation area sila at nakaupo habang pinagmamasdan nila ang mga bata na naglalaro kasama si Jacob. Mamayang alas nuwebe ng gabi na kasi sila aalis ni Jacob pauwi ng Maynila. Matapos nilang malaman kanina kay Dra. Santibañez na pwede na siyang bumiyahe ay agad nagdesisyon si Jacob na babalik na sila ng Maynila. Hindi na rin siya umangal dahil miss na miss na niya si baby Philippe. Gustong-gusto na niya itong makita at mayakap. Gusto sana niya itong tawagan at makipag-video call dito pero ayaw ni Jacob dahil gusto raw nitong surprisahin nila ang anak. “Akala ko ba gustong-gusto mo na papatawarin ko na siya?” aniya at pabirong tinaasan pa niya ito ng

