TBM#27 PABILING-BILING lang si Jacob sa kanyang higaan, magdamag siyang hindi nakatulog ng maayos dahil sa sobrang init na init na pakiramdam. Tagaktak na rin ang pawis sa buong katawan niya kaya bumangon na lang siya. Doon ka na sa kwarto mo matulog, Jacob. Masikip rito at walang aircon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maalala niya ang sinabi ni Heejhea sa kanya kagabi. Ngayon niya naisip kung gaano niya pinapahirapan ang mag-ina niya noon. Kung gaano siya kawalang kwentang asawa at ama. Tiningnan niya ang may kaliitang kama. Napahinga naman siya ng maluwag nang makitang komportableng natutulog ang asawa niya katabi ang anak nila. How couldn't he notice about this before. At paano siya nakatulog noon sa kanyang kwarto na parang isang hari kung ang mag-ina niya ay ganito ang

