MARAHAN at maingat na naglakad si Heejhea palapit sa kama kung saan mahimbing na natutulog ang anak niya. Dahan-dahan siyang naupo sa gilid ng kama at tintitigan niya ang baby niya. Malalantik ang pilik-mata nito, matangos ang ilong na kaparehong-kapareho ng kay Jacob, ang kaibahan lang ay maliit pa ito. He has natural red lips too. "I love you, baby ko." Dumukwang siya at maingat na inilapat niya ang mga labi sa makinis nitong noo. Kapagkuwan ay maingat siyang nahiga sa tabi nito at napatitig na lang sa puting kisame nitong kuwarto. Ramdam niyang nanghihina pa rin ang katawan niya. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata. Pero iyong isip niya ay nasa dalawang taong nasa dining area. She sighed heavily again. Tumagilid siya at maingat na niyakap ang anak niya. Watching Jacob earlie

