“Psst! madam.” Bulong na tawag sa akin ni Dory na nagtatago sa gilid ng hagdanan. Ako naman ay luminga-linga din at kinuha ang inaabot niya sa akin na nakatulong papel. Sabay lagay sa loob ng aking suot na bra. Mabilis ako na sumakay ng aking sasakyan at dinukot ang papel na siniksik ko sa aking suot na bra kanina. Pagkatapos ko mabasa ang address ng hospital ay nag type ako sa google map at siyang ni-search ko. Pagdating ko sa hospital ay sakto naman ang pagdatingan ng aking mga asungot na bodyguards. “Madam, malalagot po kami kay boss kapag hindi kami sumama sa bawat lakad mo.” Sabi ni Bogart na sinamaan ko ng tingin sabay lapit dito. “Kasama ka ni mommy noong pumunta dito tama ba?.” Tanong ko sa lalaki na alanganing tumango sa akin habang may tingin na nahihiwagaan. “Samahan mo

