Monalisa (POV) Hatinggabi ng magising ako dahil kumakalam na ang aking sikmura, nag sipilyo lang ako ng aking ipin at pagkatapos ay bumaba na ako sa kusina. Pagdating ko sa baba ay tulog na ang mga tao nagbukas ako ng ref at nakita ko ang mga pagkain na nag sebo na, kumuha ako ng mangkok na microwavable at naglagay ng ulam, kalderetang baka. Isinalang ko sa microwave, ininit ko din ang kanin sa rice cooker. Pagkatapos ko mainit ang lahat ay na upo na ako at nagsimula ng kumain, ganito pala kapag gutom napakasarap ng pagkain at halos gusto mo ng sambahin ang nagluto. Napasandal ako sa upuan ng matapos ako dahil sobra akong nabusog. Nasapok ko ang aking noo ng inaantok na naman ako kaya't tumayo na ako at naglakad patungo sa sala na madilim. Pagbukas ko ng ilaw ay nakaupo si Leon at tahimi

