Monique (POV) Gising ako, gising na gising simula pumasok ako sa loob ng silid ni Lucio. Ang lalaki na ginusto ko habang kasintahan ko noon si Luis. Hindi ako takot sa kanya o sa kanila, natakot ako sa aking sarili dahil hindi ko maiwasan na hindi isipin na dalawa silang nakayakap sa akin. Epekto siguro ito ng mga Thai movies na pinapanood namin ng mga classmates ko. Kaya habang maaga pa lumikas na ako at tinakasan ang maaaring pangta-traydor na gawin ko sa aking sarili. Pero ang ending bumagsak pa rin ako sa kamay ni Lucio na sabi niya ay sa kanilang dalawa magkapatid. Tatayo na sana ako ng biglang marinig ko ang yabag ni Lucio pabalik dito sa banyo kaya ipinikit kong muli ang aking mga mata dahil nahihiya ako sa ginawa ko kanina. Hindi ko alam saan ako kumuha ng lakas ng loob na alokin

