Ilang buwan na ang lumipas magmula ng magpaalam si Leon na hahanapin ang kanyang sarili. Ngayon ay inaamoy ko lang ang kanyang ilang buwan na din na hinubad na damit. Siya nga yata ang pinaglilihian ko. Last week ay nag propose na sa akin si Lucas, tinanggap ko naman kaagad dahil mahaba ng panahon ang nasayang, kaya ayaw ko na sayangin pa ang natitira. Ang lola ni Helen ay inatake sa puso ng oras na huhulihin na siya, na naging sanhi ng kamatayan ng matanda. Si Helen naman ay pumayag at pumirma na sa annulment paper nila ni Lucas at masaya naman na namumuhay bilang dalaga dahil ang anak ay ibinigay na sa ama ng bata na si Nelson. “Baby, bumaba na tayo inaamoy mo na naman ang damit ni Lucas, kapag nalulungkot ka nalulungkot din ang anak na'tin.” Hindi ako umimik at wala akong buhay na t

