“Yes lola, I'm pregnant of course kay Lucas, kanino pa ba?.” Narinig ko na sabi ni Helen sa kanyang kausap sa telepono, nandito ako ngayon sa aking silid at nakapikit. Akala siguro ng babae ay natutulog ako. Kanina ko pa sinusubukan na iinat ang aking mga binti kaya napapikit ako sa sakit. Bawal itong pwersahin na ilakad pero pwede na inatin at baluktutin, madalas namin gawin ni Nelson. Ramdam ko ang pag lundo ng aking higaan, indikasyon na nakaupo sa tabi ko si Helen. Muntik na ako mapaigtad ng haplosin ng babae ang aking mukha at tabihan ako ng higa. “Sobrang gusto kita Lucas, noon pa. Si Leon ay kunwari gusto ko lang para hindi mo mahalata na ikaw talaga ang gusto ko. Pero pareho kayo mailap. Napapagod na ako maghabol sa inyo, sa oras na itanggi mo na anak mo ang nasa sinapupunan

