Mahimbing na natutulog si daddy sa tabi ko, ako naman ay hindi dalawin ng antok. Ganito ako tuwing katatapos lang makipag s*x. Ang lalaki nakakatulog na sa pagod, pero ako hindi at parating ganito, nakatunganga at paikot-ikot sa higaan. Paglabas ko ng silid ni daddy, mabagal na humakbang ako para bumaba at kumuha ng gatas na mainit. Baka sakaling antukin na ako pagkatapos ko uminom. Ngunit sa paglalakad ko may narinig ako na kaluskos sa dulong bahagi ng hallway, ang alam ko ay smoking area yun. Dala ng pagiging likas ko na osyosera, naglakad ako papalapit sa dulong bahagi. Nakita ko ang isang tao na naka hood jacket na itim, may dalang flashlight at tray ng pagkain. Itinulak niya ang malaking base na may tanim na giant monstera. Hirap na hirap ang tao na itulak ito dahil napakalaki nga t

