“B-bakit sinabi mo sa M-mama mo na girlfriend mo ‘ko?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Damon Marquez sabay alis ng pagkaka-akbay niya sa akin. “May problema ba do’n?” nagbaba siya ng tingin. “Oo… iisipin niya na talagang may relasyon tayong dalawa. Sana’y tinawagan mo ‘ko na nandito siya para hindi muna ako kaagad pumunta rito.” “Ano naman ngayon kung makita ka niya?” “Hindi ba’t… nakasaad sa kontrata natin na hindi pwedeng malaman ng iba ang tungkol sa kasunduan natin?” “Pero hindi ko naman sinabi sa kanya ang tungkol sa kontrata.” Lagi na lang talaga siyang may panlaban sa mga sinasabi ko. “I did not violate any clause, Celine.” “P-pero sinabi mo pa rin sa kanya na girlfriend mo ako,” marahang giit ko. “Baka anong isipin niya. At isa pa… ang sabi niya’y nakatakda kang ikasal. An

