Kabanata 9

3149 Words
Kabanata 9 KASALUKUYANG nasa restroom si Freya habang nakatitig sa salamin at kinakalma ang sarili. Anong nangyari? mahinang usal niya sa kanyang sarili. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng lahat ay makukuha pa rin niyang maapektuhan sa ginawa ng lalaki. He doesn’t even know her! His wife, Kaia De Castro was already dead and it was because of him! And yet, nakuha pa rin ng lalaking ‘yon na patigilin ang kanyang mundo nang ilang saglit. Kung hindi pa siya kinalabit ng emcee ay hindi siya mababalik sa reyalidad at masasampal ng katotohanan na ang lalaking minsan niyang minahal ang isa sa mga dahilan kung bakit nasa isang malamig na kabaong ang katawan niya. Hindi ito pwede. She has to compose herself. Hindi pwedeng dahil lamang sa nakita niya muli ang lalaki ay magiging marupok na siya. Para saan pa ang paghahanda niya kung mauuwi lang din naman pala sa lahat? Huminga siya ng malalim at sinubukan na pakalmahin ang sarili. Pagkatapos niyang maipakalma ang sarili ay bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Lumabas sa screen ang pangalan ni Jake na kanyang kinuha na private investigator. Sinagot niya ang tawag. “Hello Jake,” “Hello Ma’am. Nakuha ko na po lahat ng ipinapakuha niyo sa akin tungkol sa mga De Castro at sa Esperanza.” Napangiti siya nang malaki roon. Malaking tulong sa kanya si Jake kaya labis niya itong iniingatan. Alam niyang hindi malabo na siya ang balikan ng mga ito kapag nagkataon kaya sinigurado rin ni Freya na protektado si Jake at ang pamilya nito. “Send the files on the email that I gave you then proceed to the second plan,” wika niya rito. Marami siyang plano at eto ang simula ng mga plano niya para mabawi ang lahat. “Okay Ma’am.” “Salamat Jake. Mag-iingat ka.” Lumabas si Freya sa restroom at nakita ang mga taong nagkakasiyahan doon. Isa-isa siyang nilapitan ng mga tao at kanya-kanyang propose ng mga project na nais nilang gawin kasama siya. Subalit tinanggihan niya ang mga iyon dahil may gusto siyang tao na lumapit sa kanya. At nagtagumpay siya nang lumapit ang dalawang taong kilalang-kilala niya. Kunyare ay hindi niya napansin ang paglapit nang dalawa kahit na kitang-kita niya iyon sa gilid ng kanyang mga mata. Kunyare siyang nakikipag-usap sa mga tao habang pasimpleng pinagmamasdan ang paglapit ng dalawang tao sa kanya. “Hi,” bati ng lalaki sa kanya. She was not expecting that he will greet her and say hi for the first time. She turned at him while smiling sweetly. “You are Mr. Salvatierra, am I right?” tanong niya rito. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Tunay nga talagang wala itong ipinagbago lalo na suot niyang white suit na tinernuhan ng itim na pantalon. Hindi lang ‘yon, lalo pang nakadagdag ng awra ang buhok niyang nakabrushed-up. Nang dahil doon ay lalong nadepina ang kanyang mukha at ang makapal nitong kilay. Sadya rin nakakaagaw ng pansin ang lalaki dahil sa malakas na presensya nitong dala. He’s making everyone looked at him because of his undeniably strong presence. “Yes. I am Kian Trevor Salvatierra, the CEO of Salvatierra Empire.” “Oh, nice to meet you, Mr. Salvatierra. We finally got the chance to meet and I already heard many good things about you,” wika niya habang nakangiti. Wala talaga itong ipinagbago maliban sa naging matured ang mukha nito sa loob ng pitong taon. Nakita naman niya si Lacey na nakalingkis ang mga braso nito sa lalaki na ngayon ay nakatingin sa kanya. Marahil nagtataka kung bakit hindi niya ito pinapansin. Nakasuot si Lacey ng itim na cocktail dress na pa-tube ang style. Nakaponytail din ang kanyang mahabang buhok at makapal na make-up dahil sa pagkapula ng kanyang mga labi. “Nice to meet you too, Mrs. Velasco,” pormal na wika na sagot sa kanya ng lalaki. Hindi nakaligtas kay Freya ang pagtitig nito sa kanya lalo na ang bahagyang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha. Siguro ay nahalata na nito ang pagkakahawig niya sa Kaia na nakilala nito bago ito namatay sa aksidente. “I am sorry if my secretary were always there for you to meet because something always came up so… I’ve really got no chance to meet you before I came here,” dahilan niya kahit na alam niyang hindi iyon totoo dahil sinasadya niyang si Cheska ang humarap sa kanila para habulin siya ng mga ito. “It was fine, Mrs. Velasco. No worries,” nakangiting wika nito sa kanya at saka inangat ang kamay nito sa kanya. Sandali niyang tinitigan ang kamay nito na nakataas sa ere. Pero imbes na makipagkamay siya rito ay tinignan niya ang babaeng kasama na kanina pa nakatingin. Nagkunwari siyang hindi niya ito kilala at pinagmasdan pa mula ulo hanggang paa. “And you are?” tanong ni Freya kay Lacey. “I am Lacey Esperanza, Trevor’s fiancée,” nakaangat na kilay na sagot nito sa kanya. “I see. You have a wonderful fiancée, Mr. Salvatierra,” nakangiting wika niya sa kanilang dalawa at katulad ng gulat na reaksyon sa mukha ni Trevor ay ganoon din ang nakita niyang reaksyon sa babaeng kaharap na may kasama pang pamumutla. Para itong nakakita ng multo. Napangiti tuloy nang wala sa oras roon si Freya dahil sa obvious na reaksyon nito. She knew that the resemblance of her old face will shock them. Lalong-lalo na si Lacey dahil alam niyang gusto siya nitong mawala sa landas parta mapasakanya si Trevor at nangyari nga naman ang bagay na iyon. But now that she’s back, sisingilin niya ang mga taong nanakit sa kanya at ipaparamdam ang galit na naipon sa loob ng ilang taon. “Are you okay, Ms. Esperanza? You looked pale,” nag-aalalang tanong nito sa kanya. Mabilis naman na umiling ang babae sa kanya at saka tumawa ng bahagya na para bang kinakabahan. “I’m fine, Mrs. Velasco. Thank you for your concern.” “So, are you two enjoying the party?” tanong niya sa kanilang dalawa. Tumango naman ang dalawa at pagkatapos ay saka nagsalita si Trevor. “Now that you’re here, I hope you won’t reject our proposal this time, Mrs. Velasco. We really want you in our project,” wika ni Trevor sa kanya. Binigyan niya ito ng ngiti. “I haven’t read the new proposal. I hope it would not be boring just like the first proposal that you have submitted,” nakangiting wika nito sa kanila. Alam niyang naaasar na ang mga ito sa kanyang sinasabi dahil alam niyang ilang linggo nila iyon pinag-isipan at lalagyan niya lang ito ng label na ‘boring’? Idagdag pa ang katotohanang si Lacey na siyang parte na rin ng Salvatierra Empire ang nag-isip para sa proposal na ‘yon. She got a news that Lacey Esperanza resigned on her own company and is now working for Salvatierra Empire because of their engagement. Para kay Freya ay malaking pagkakamali iyon dahil hindi alam ni Lacey kung saan pupulutin ang sarili kapag nawala na si Trevor sa kanya. Lalo na at may balak siyang bawiin ang mga dapat sa kanya lalo na si Trevor. “Well, Mrs. Velasco. Ang mga nagsasabi na boring iyong proposal ay ito iyong mga business partners na takot sa risk. Hindi ba honey?” nakangiting tanong ni Lacey kay Trevor. Mukhang confident pa ang babae sa sinabi niya na lalong nagpaangat sa kilay ni Freya. “Yes,” sagot naman ng lalaki. “I don’t think so, Ms. Esperanza. Mahirap magtake ng risk sa mga kumpanya lalo na at maraming kumpanya ngayon na nalulugi. You know what I am trying to say, right?” tanong nito na nagpataas na naman muli sa kilay ni Lacey. Lihim siyang napatawa habang nakangiti ng malawak sa babaeng nakasimangot na habang nakalingkis pa rin ang mga braso sa lalaki. Halatang hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Lacey can’t hide the fact that her company almost went bankrupt and only saved by her parents’ money. Ngayon ay ang kapatid na nito ang nagpapatakbo ng kumpanyang ‘yon at para nga lalong maging secured ay napasailalim ito ng Salvatierra Empire. Naging usap-usapan iyon dahil maraming empleyado ang kamuntikan na mawalan ng trabaho. Kung hindi pa naisalba ay tuluyan na magiging kahiya-hiya si Lacey sa pamilya niya. Alam niya iyon dahil ipinadala niya ang tauhan niyang si Jake para magmatyag sa kanila habang wala pa siya sa Metropolis at nasa ibang bansa pa nakatira. “Let’s stop talking about business. Let’s talk about you and Ms. Lacey Esperanza. You two are engaged right?” tanong nito sa kanila. Si Lacey na ang sumagot na tila ba parang ang saya-saya nito sa tinanong niya. “Yes. We are actually preparing our wedding soon, right honey?” tanong niya rito at tumingin pa sa lalaki. Nilingon naman siya ng lalaki at tumango na nakangiti sa dalaga. Nawala naman ang mga ngiti ni Freya sa kanyang mukha dahil doon pero agad din namang nakabawi. “So how long are you two engaged?” “Two months,” sagot ng babae sa kanya. “Correct me if I am wrong but Mr. Salvatierra has a fiancée, right?” Ngumiti si Lacey na tila hindi maipinta ang mukha at sasabihin sa kanya pero sumagot pa rin ito. Si Trevor ay nanatili pa rin tahimik at nakatingin lang sa kanya na tila ba sinusubukan nitong basahin ang kanyang nasa isip. If she didn’t know Trevor, she would be intimidated by his presence pero dahil kilala niya ito na umabot sa puntong minahal niya ay hindi na iyon bago sa kanya. “She’s actually dead.” Kunyari ay nagulat si Freya sa sagot nito. Kung tutuusin ay pwede na siya pumasa bilang best actress dahil sa galing niya umarte ngayon sa harapan ng dalawang taong kilala niya. Kung makikita siya ni Leo ngayon kung paano humarap sa dalawang ito ay siguradong tatawanan siya nito. Palagi siya nitong inaasar na pangit siya umarte at hindi papasa na actress pero mukhang hindi naman ganoon ang kaso sa dalawang ito. “Oh, I’m sorry. How long it is since you’ve lost your fiancée, Mr. Salvatierra?” malungkot tanong niya sa lalaki. “Five years,” malamig na sagot ng lalaki. “But you’re happy now, right? With her?” paniniguradong tanong niya sa lalaki. Hindi niya inalis ang pagkakatitig para mapanood ang bawat reaksyon nito sa babaeng katabi niya. “Of course. Why would I? Lacey is with me since my fiancée died. I can’t help but to fall in love with her after staying by my side since then,” wika nito habang nakatingin sa babaeng katabi niya. Hindi rin nakaligtas kay Freya kung paano hinawakan ni Trevor ang kamay ni Lacey at ipinagsalikop iyon na para bang mahal na mahal nila ang isa’t isa. Kung gagamitin ang paningin ng iba, marahil normal lang na reaksyon ang nakikita nila ngayon kay Freya lalo na at nakangiti ito sa dalawang taong kaharap niya. Pero isang pekeng reaksyon at emosyon lamang iyon dahil ang totoo ay para na naman siyang pinapatay sa sobrang bigat na nararamdaman niya. Ang makita itong masaya sa iba ang pinakamasakit na bagay na maaari niyang makita at kasalukuyan nga iyon nangyayari. Marami na naman tanong ang pumapasok sa kanyang utak at isa na roon kung paano siya nito nagawang lokohin sa kabila ng pagmamahal na ibinigay nito sa kanya. Ilang beses na pumapasok ang tanong na ‘yan sa utak niya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nahahanap na sagot para sa tanong na ‘yon. Ang pangalawang tanong ay kung bakit napili siya nitong ipapatay at kung talaga bang pera lamang ang habol nito sa kanya dahil kung ganoon nga ay hindi niya na lang dapat ito nakilala. She wanted to cry and shout in front of him. She wanted to tell him who she is pero hindi niya magawa dahil hindi pa ito ang tamang panahon para ibulgar ang sarili niya. Basta ang alam niya lang ngayon ay puro galit ang nararamdaman niya lalo na ngayon na nakikita niyang parang wala lang sa lalaki ang pagkawala niya. Kung sabagay, paano pa siya nito aalalahanin kung siya mismo ang isa sa mga suspek na nagpakana ng lahat. Siguradong siya rin ang nag-utos na gahasain siya noon. Ayaw niya tanggapin ang katotohanang ‘yon dahil naniniwala siyang hindi magagawa ng lalaki ang gawain na ‘yon dahil may kapatid siyang babae pero iisa lang ang tinuturo ng mga nakalap niyang impormasyon at walang iba kundi si Trevor, ang lalaking nasa harap niya ngayon. Ang lalaking minahal niya ng buong puso. “So how did you know all of these, Mrs. Velasco?” tanong ni Trevor sa kanya. Halatang-halata sa kanyang boses ang hindi pagkagusto sa naging tanong. Hindi siguro inaasahan nito na may mag-uungkat sa mga nangyari noon limang taon na ang nakakaraan. Hindi rin tuloy maiwasan ni Freya na hindi mapangiti ng mapait dahil mukhang gusto na lamang ng lalaki na ibaon ang mga nangyari na ‘yon sa lupa at huwag ng maalala pa katulad na lang ng hindi nito pag-alala sa kanya. Binigyan niya ng matamis na ngiti ang lalaki. “Oh? My team made some research about you. It’s important to me that I know the owner of the company where I am planning to invest my money.” “Oo nga pala. Where is your husband? Bakit hindi siya nandito?” tanong ni Lacey sa kanya na nagpalinga-linga pa sa paligid na tila may hinahanap. Si Leo ay kasalukuyang may inaasikaso sa ibang bansa at hindi pa makakabalik. Mag-isa siyang bumalik dito kasama ang kanyang secretary na si Cheska dahil matagal-tagal pa bago bumalik si Leo at kung hihintayin niya pa iyon ay paniguradong maiinip lang siya. Kaya naman nauna na siya na isagawa ang mga plano. And she was ready for it. Handa na siyang magpakita sa mga ito at makipagtigasan. Wala na siyang pakialam kung saan sila aabutin. “May inaasikaso pa siya sa ibang bansa ngayon pero malapit na siyang umuwi,” sagot niya rito. “I heard that you were comatose because of the accident. Is that true?” tanong ni Lacey sa kanya. “Yes.” “Buti hindi nakuhang magloko ni Mr. Velasco nang masangkot ka sa aksidente,” wika ni Lacey. Muntik na siyang mapatawa ng malakas. Mabuti na lang at pinigilan niya iyon. Is she referring to her fiancée? Napatawa ng mahina si Freya at napailing bago nakuhang magsalita. Leo won’t cheat. He won’t do that because he loves his wife very much. “Well, many others didn’t know but my husband is very dedicated to me. Ayon sa mga staff nang magising ako ay walang araw na hindi niya ako inalagaan. Kaya nga nagpahinga siya ng mahabang panahon sa pagdodoktor eh,” paliwanag niya sa dalawa. Totoo naman ang mga sinabi niya. Kahit hindi siya ang totoong Freya, wala namang buwan o taon na lumipas na hindi dinalaw ni Leo ang puntod ng asawa niya. Walang araw na hindi naramdaman ni Freya na sobrang mahal ni Leo ito na kung minsan pa nga ay naiinggit siya dahil ipinagkait ng mundo iyon sa kanya. Umasa siya na sa kabila ng hindi niya pagtanggap ng kalinga sa magulang ay may tao pang magmamahal sa kanya ng higit pa at umasa siyang si Trevor ‘yon. But in the end, Trevor betrayed her in the most hurtful way. Ngumiti pa si Freya at muling sumulyap ng tingin kay Trevor bago inilipat ang tingin kay Lacey. “I noticed that Mr. Salvatierra has good looks. I wonder if there’s a time that he cheated on you or his deceased ex-wife.” Tila hindi nagustuhan ni Lacey ang mga kanyang sinabi subalit mas pinili nitong tumawa para i-compose ang sarili. “My fiancée won’t cheat on me. He would never do that because he loves me.” Muling tumawa si Freya at saka umiling. “Hindi ka sure dyan, Ms. Esperanza. Marami akong nakilala na kahit na matagal na sila, eh nakuha pa rin silang lokohin. Iyong iba nga, kakamatay lang ng asawa pero naghanap na kaagad ng iba,” wika niya at saka tumingin kay Trevor na ngayon ay nakatingin din sa kanya ng seryosong ekspresyon. “What are you implying then? That he’s going to cheat on me someday?” alburotong wika ni Lacey sa kanya. Tumawa ng mahina muli si Freya. Ganyan nga. Dahil totoo naman ang sinabi niya na iyong iba ay kakamatay lang pero nakahanap na kaagad ng iba at ang lalaking katabi niya ang tinutukoy nito. Dapat lang na matakot si Lacey dahil baka mamaya ay maaksidente siya at ipagpalit siya kaagad ni Trevor sa iba. “Chill, Ms. Esperanza. What I am saying is hindi lahat ay kagaya ng sinasabi mo. Malay natin, Trevor would be different from any guys I’ve met in the past.” Magsasalita pa sana si Trevor at Lacey nang magsalita muli ang emcee para sa highlight ng welcome party niya. Ang jewelry auction. Hindi alam ni Freya kung anong klaseng mga jewelry ang nakalagay sa auction. Hindi niya rin planado iyon. Actually, sinuhestisyon iyon sa kanya ni Cheska na maglagay ng auction sa mismong welcome party niya dahil tiyak na maaagaw ang atensyon ng mga dadalo at tama nga ito dahil hindi na mapukaw ang tingin ni Lacey sa mga alahas na nasa stage para sa auction na gagawin. Kay Cheska niya kasi ipinagkatiwala ang mga alahas para sa jewelry auction kaya naman wala rin siyang alam kung ano ang presyo ng mga ito. But Cheska showed her the grand jewelry sa huling round ng auction bago pa magsimula ang party at panigurado nga na magbibid si Lacey. Wala naman siyang balak na makibid pero gusto niyang sadyain na galitin ang dalaga kaya naman nakisali ito sa last round ng bidding. “For the last round of bidding, here is our grand prize. Sino kayang makakabili ng jewelry na ito? The prize for this Heaven Crescent is one hundred million.” Ang alahas na ipinakita ay mala-ginto na kumikinang sa stage. Ito ay hugis half-moon na punong-puno ng mga crystals na kumikinang. Halatang may pagkabigat ito dahil gawa ito sa purong ginto. Ayon sa kanyang nalaman ay galing pa ito sa ibang bansa at wala pang nakakabili nito dahil sa sobrang mahal. Ilang beses na rin ito napunta sa bidding pero walang nakabili at ngayon ay sisiguraduhin niya na hindi mapupunta ang alahas na ‘yon kay Lacey. She will take everything from her. Kaagad na nagtaas ng numero si Lacey at nagsalita. “Two hundred million,” wika niya. “Okay, two hundred million for Heaven Crescent, may magbibid pa ba?” Nagtaas ng numero si Freya at nakangising tumingin kay Lacey na ngayon ay nakatingin sa kanya. “Five hundred million,” “Okay! Sold for five hundred million!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD