Chapter 38 DI MAKAPANIWALA ang dalawa na tinago ni Julius ang kaniyang asawa sa lugar na ito saka nagsalita ang babae, “pasok kayo.” Agaran namang pumasok si Ten at Krist sa loob ng kaniyang bahay—saktong-sakto lang ito para sa kaniya pero ang kanilang pinagtatakang dalawa ay ubod ng yaman si Julius. Napakamot nalang sa ulo si Krist nang makita ang buntis nitong asawa. Kumuha ito ng dalang baso at isang plato ng cookies para sa dalawa. “S-Salamat” nauutal na sabi ni Ten dahil nag-abala pa itong atupagin silang dalawa sa kaniyang kalagayan. Balisa ang kaniyang mukha at saka hala na stress ito sa buhay. “Bakit niyo ako hinahanap?” pagbasag nito sa katahimikan sa loob ng bahay at nagtinginan ang dalawa sa isa’t-isa. “Kamusta na ang pagbubuntis mo?” tanong ni Ten sa kaniya at napahawak i

