Chapter 11 Sa pagbukas ng screen sa stage ay lumalakas ang kabog ng dibdib ni Nate na para bang hindi siya mapakali sa mga nangyayare. "Krist Quevedo!" His heart beats so fast na para siyang mahihilo. Sa paglabas ni Krist sa stage na naka suot ng napaka gandang kulay asul na damit biglang natahimik ang lahat sa surpresa na ito ni Ten. "He is real! He is ALIVE!" sigaw ni George na dating leader ng White Sheep. "Oh my God! Krist!" Sigaw din ni Kiel na sobrang nagulat sa nangyare. Wala halos marinig ang mga nasa party sa hiyawan nilang lahat. Halos mangiyak-ngiyak ang mga blues sa kanilang nakikita lalo na si Jim na unang kaibigan ni Krist nang pumasok ito sa BGW. Ten goes up at lumapit kay Krist na parang mamumutla na sa sobrang kaba. "Smile to them" Ten whispered to Krist at agad nama

