Chapter 39: A day spent with a vampire

1423 Words

Aoife Pamilyar ang apat na sulok ng pader na 'to - ang silid ni Ethan. Hindi ko maalala kung paano ako napunta rito. Iginala ko ang tingin at nasumpungan ng mga mata ko si Ethan na nakaupo habang may hawak na gitara. Pakiramdam ko'y tumatalon-talon ang puso ko nang makita ko siya. Anong meron? "Gusto mo bang haranahin kita ulit?" Ang mga ngiti niya ay walang kasing lambing. 'Yong tipo ng ngiti na magpapatunaw ng tuhod ng kahit sinong babae. "Siraulo." Inirapan ko na lang siya habang pinipigilan ang umuusbong na ngiti. Sumilay sa mga labi niya ang nakakalokong ngisi, halatadong may kalokohan na namang binabalak. Nagulat ako nang bigla siyang mawala sa paningin ko. "Pusang gala!" Mapaglaro niyang kinagat ang tainga ko! Agad akong pinamulahan sa ginawa niya. "Tarantado ka talaga."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD