Aoife "Aoife..." Naririnig ko ulit ang banayad niyang boses. Posible kayang panaginip ito? Ganito kasi lagi ang umpiss ng mga napapanaginipan ko lalo na at narito ako ulit sa palasiyo nila. Ramdam ko na ang boses at nanggagaling sa likod ko, sigurado akong nasa malapit lang siya. Pilit kong inaalala ang huling posisyon ko bago tangayin nang antok. Oo nga pala! Nakatagilid pala ako at nakatalukbong, buti na lang. Hindi ako gumalaw para malaman niyang natutulog pa ako. Sana ay makaramdam siya kahit papaano at sumulpot sa kokote niya na umalis na lang. Bigla ay naramdaman kong tinutusok-tusok niya ang tagiliran ko.Dito ko nakumpirmang hindi nga ako nananaginip. Nakikiliti ako kaya gusto ko sanang gumalaw pero pakiramdam ko ay masiyadong mabigat ang katawan ko. Maging ang mga mata k

