Aoife O anong init sa loob ng seldang ito ng tanghaling tapat. Bukod sa wala nang sariwang hangin ay purong semento kasi ang nasa paligid kaya sa palagay ko ay sinisipsip nito ang init mula sa labas. Sa tuwing madidikit ang balat ko sa pader ay talagang mararamdaman mo ang init. Mula sa natatanging maliit na bintana ay sumisilip ang isang linya ng ilaw na ayaw kong madampian. Mainit na nga ang singaw ng makapal na pader na 'to dahil sa init na humahalik sa kanya. Paano pa kaya kung ako na mismo ang humawak sa guhit ng init na 'yan? Eksaherada man kung titignan ngunit pakiramdam ko'y masusunog ako kung hahawakan ko 'yan. Wala namang makapagsisisi sa akin na ganito ang nararamdaman dahil talagang ramdam ko ang init. "Punyeta ang init!" narinig kong pagrereklamo ng isang kawal na gay

