Aoife "Sabihin niyo... Nakita niyo ang totoong nangyari, hindi ba?" Matigas at mabagal kong tanong sa magkapatid. Sinigurado kong bigyang diin ang salitang "totoo." Baka kasi baliktarin na naman ako ng mga ito. "We did, Aoife." Si Bellona ang sumagot. "We saw how you intentionally aimed for Ethan," pagtutuloy niya. Sa tono ng pananalita niya, mahihimigan mo ang kasiguraduhan. Kahit sinong hindi nakakita ng totoong nangyari ay maniniwala sa pahayag niya. Talaga ngang bihasa sa panloloko ang mga bampirang ito. "Ano ba ang pakay niyo at pilit niyong binabaluktot ang katotohanan?" pigil-inis kong tanong. "To ruin your image in Ethan's eyes. When he looks at you, all he see is beauty. We want to taint it and we'll start here," sagot niya. "Para saan?" Kahit may ideya na ako kung ano

