Aoife Iniiyak ko ang galit ko hanggang sa kumalma ako. "Akala ko ba, hindi dapat umiiyak ang mga diwatang matatag?" Mukhang sinundan niya ako. "Pasensiya na, hindi ko napigilan." Nanginginig ang mga labi ko habang pilit akong nagpapakita ng ngiti. Umirap lamang siya saka ako dinaluhan sa baba upang bigyan bg mahigpit na yakap. "Masaya akong nakabalik ka ng ligtas, Aoife... Pero bakit hindi pa rin panatag ang pakiramdam ko kahit pa nandito ka na?" "Dahil sinusundan ako ng panganib, Nadetta. Sa pagtapak ko sa kanilang teritoryo ay tinanggap ko nang mulabsa araw na 'yon ay lagi ko nang kasama ang panganib," mahaba kong sagot sa kanya. Tinignan niya ako sa mata, nababakas sa kanya pag-aalala. "Ano na ngayon ang plano mo?" Alam ko ang gustong mangyari ni Ethan. Gusto niyang mapagla

