Aoife Tahimik akong sumisimsim sa pangalawang tasa ko ng kape ngayong gabi. Ilang oras na rin kaming nagbabantay ngunit walang nagsasalita sa amin ni Nadetta. Sa loob ko'y ipinagpapasalamat ko ito dahil baka ibalik niya ang usapin namin sa matabang ahas. Umiinit pa rin ang mukha ko kapag naiisip ko 'yon. Nang maubos ang kape ay sumandal ako sa sanga ng puno habang pilit na nilalabanan ang antok. Diretso ang tingin ko sa silid ng gagong Ethan. Minsan na niyang tinangkang mag-imbestiga o mag-espiya rito. Hindi malabong gawin niya ito ulit. "Matulog ka na, Aoife." Mas tunog utos ito kaysa pakiusap. "H'wag ka nang magsalita pa. Kaya kong magbantay, kaya ko ang sarili ko," maagap niyang pagtutuloy dahil alam niyang tututol ako. "Basta ba ipangako mong mag-iingat ka," buong pag-aalal

