Aoife Mahal kong Nadetta, Kumusta ka na, kaibigan? Umaasa akong ayos ka lang sapagkat kailangan mong magtindig para sa ating nayon. Sa ngayon ay pinapahaba ko ang iyong pamumuno. Ipagpaumanhin mo sana ang hindi ko pag-uwi sa ating nayon sapagkat ang may maitim na budhing bampira ay ayaw akong pauwiin dahil sa mga pantarantado niyang dahilan. Isa pa ay marami rin akong kailangan asikasuhin dito. Mayroon akong bagong nadiskubre sa kanilang lugar. Nakahanap din ako ng mga potensiyal na ebidensiyang sila nga ang tinutukoy sa propesiya kaya abala rin ako sa patagong imbestigasiyon. Nais ko man ibahagi sa'yo lahat ng nalalaman at natuklasan ko, palagay ko ay kukulangin ako ng oras. Maging ang papel at lapis na gamit ko ngayon ay hindi na rin makakatagal pa kung ibabahagi ko lahat. Isa

