Aoife Kung tatanungin ako ngayon kung bakit pumapayag ako sa gusto ng lalaking ito na pumunta pa sa mas malalim ay hindi ko alam ang isasagot ko. Maging ako kasi ay hindi maipaliwanag kung bakit ba pinagkakatiwalaan ko na naman ang makasalanang bampirang 'to. Gusto kong isipin na ganito ako dahil lang sa siya lang ang pwede kong malapitan ngayong binabalot kami ng tubig alat. Subalit hindi ko maitatago ang katotohanan na nagpabaya ako kaya kami nagawa niya akong dalhin dito. Kung sana no'ng una pa lang ay tumanggi na ako, hindi ko sana siya kayakap sa gitna ng dagat na kinatatakutan ko. Sa puntong ito, alam kong nakagawa na naman ng paraan ang puso ko para manalo. Hindi ko inakalang kaya rin pa lang maisahan ng puso ang utak. Ngayon ay hindi na lang yakap ang nangyayari dahil tila

