Aoife Pasalamat sila at gumawa ng paraan si Ethan para matapos na ito. Umalis na sila at nagtatapang-tapangan pa. Hindi naman ako nagsisi sa desisyon kong ipagtanggol ang babaeng ito dahil nakakatuwa siyang kasama. Nakikita ko ang kagustuhan sa mga mata niya na pagsilbihan ang mga batang ito kahit pa hindi niya sila kaano-ano. "Lagi ba rito ang mga babaeng 'yon?" tanong ko habang nagbibigay kami ng pagkain sa mga bata. "Oo," tipid niyang sagot. "Ang lakas ng loob nila ah," komento ko dahil naiinis pa rin ako sa kakapalan ng mukha nila. "Ganyan talaga ang mga pangit, sa tapang lang bumabawi," natatawa-tawa niyang sabi. Kaya, hagalpak kami sa tawang dalawa. Masaya ang naging tiempo ng pakiramdam ko hanggang sa maggagabi na. Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Debi nang mapansin k

