Aoife "Gising na, prinsesa." Naalimpungatan ako sa mahihinang pagalog sa akin ng isang kawal. Nang una, akala ko ay iba siya kumpara sa mga karaniwang kawal ng mga bampira dahil sa banayad niyang paraan ng paggising sa akin. Kalmado akong gumising kahit na hindi ko alam kung anong klase ng peligro ba ang naghihintay sa akin dahil nga masiyado akong nagpakampante sa kaunting kabaitan na ibinigay ng kawal na ito. Ngunit ang utak kong tanga ay hindi pa rin nadadala. Kinilabutan ako sa paraan ng paghaplos niya sa mukha ko kaya gamit ang naipon kong kaunting lakas, nagawa ko siyang sapukin. Dahil nga mahina ay umismid lamang ito at amba na naman akong hahawakan nang bigla na lang siyang mawala sa harapan ko. Nang matagpuan siya ng mga mata ko ay nabigla ako nang hawak na siya ng hari

