Aoife Para akong pinagsukluban ng langit at lupa sa ibinalita ni Nadetta lalo na't idinagdag niyang si Ethan ang pangunahing suspek. Papaanong suspek siya eh maghapon kaming magkasama? No'ng una ay parang ayaw ko itong paniwalaan. Imposible kasing siya ang gumawa, kahit saang anggulo mang tignan. Nanlamig ako nang kalaunan ay naintindihan ang sinabi ni Nadetta. Hindi lang pala si Ethan ang tinutukoy niya kung hindi ay pati ang mga kasamahan niyang bampira. Dahil dito ay mabilis kong napagtanto ang teknik na ginawa nila. Siguro'y nagsabwatan sila noong iniuwi sila ni Bellona. Hindi imposibleng sila nga ang may pakana dahil sila lang naman ang ibang nilalang na labas-masok dito sa aming nayon. Isa pa ay nakasagutan ko ang hari, alam naming pareho na mayroon kaming tagong layunin. Bulgar

