Chapter 59: I don't know

2419 Words

Aoife Pagkatapos kong sabihin ang parte ko ay wala na akong nakita pang dahilan para manatili sa harapan nila. Padabog akong umalis sa silid. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko siya nilingon, bagkus ay patakbo pa akong umalis sa palasiyo. Sa laki ng palasiyo nila ay natagalan akong makalabas. Lalo na at medyo madulas ang panyapak ko dahil nga basa ako. "Aoife! H'wag kang susugod sa ulan!" Napatigil ako nang marinig ko ang boses niya. Bakit ba sumunod ang gagong 'to? Sana ay nanatili na lang siya roon, asikasuhin niya ang siraulo niyang nobya. Pinili ko pa ring gawin ang kabaligtaran ng isinigaw niya, binilisan ko pa nga lalo. Binalot akong muli ng nakakapanginig na lamig na dulot ng hangin at ulan. Mas mainam na ito na lang ang maramdaman ko kaysa ang map

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD