Aoife Pagkalabas ni Ethan ay agad akong inasikaso ni Lourdes. "Mabuti pa ay maligo ka na muna, prinsesa. Basang basa ka ng pawis. Napagod ka ba at ganyan katindi ang pawis mo?" "Napagod nga po ako," mahina kong sabi habang inaalala ang panaginip. Napansin kong walang imik at hindi gumagalaw si Lourdes kaya tinignan ko siya. Nanlalaki ang kanyang nga mata at may namumulang mga pisnge. "Saan ka napagod?" Nahihiya niyang tanong. Nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin ay patalon akong bumaba sa kama. "Nako naman Lourdes! 'Wag mo nga akong pag-isipan ng ganyan." Inirapan ko na lang siya para mas dama ang pagkukunwari kong galit kahit pa sa loob-loob ko'y hiyang hiya rin ako. Hindi ko kinaya ang mapanghusga niyang titig kaya hinablot ko ang tuwalya mula sa kanya at patakbong pumunta

