Aoife "Pasensiya na po sa istorbo, prinsesa at prinsipe. Ipapahayag ko lang po sana ang suhestiyon kong sumilong po muna kayo dahil malakas po ang ulan. Baka magkasakit ho kayo niyan." Napaiwas na lang ako ng tingin sa biglaang pagsulpot ng isang kawal na siyang nanira ng seryosong usapan sa pagitan namin. Pinipilit ko ang sarili kong h'wag mapahampas sa noo dahil sa nangyari. Pagkakataon nga naman oh. Teka... Nakita niya kaya ang nangyari kanina? Bwisit! Nakakahiya! Si Ethan na ang gumawa ng mga sali-salita para makaalis kami roon dahil napipi na ako at napako na rin sa kinatatayuan. Ayaw akong pagalawin ng kahihiyang natamo ko. "'Yan kasi, lalandi-landi ka pagkatapos ngayon ay mahihiya ka," rinig kong pangaral ng utak ko sa sarili. "Take a warm bath, we'll talk when you're

