Aoife Akala ko no'ng una ay namamalikmata lamang ako ngunit nang tumagal at tila pinagsukluban na ako ng langit at ng lupa nang mapagtantong inaatake nila ang mgaandirigma ko. Papaanong nangyari 'yon eh magkakampi kami? Hindi ako agad makagalaw. Maging ang utak ko ay nanigas at hindi na makapagproseso ng impormasyon kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumitig na muna. Napansin ko ang pagalyansa ng mga babaylan at bampira. Mukhang kinakontyaba ng mga bampira ang mga babaylan para matalo ang mga mandirigma ko. Mula rito ay naririnig ko ang mga determinadong sigaw ng sarili kong mandirigma. Mga sigaw na nagpupumilit lumaban kahit pa alam na nilang sa kahit paanong paraan ay hindi sila mananalo. Saksi ang mga mata ko kung paano nila ibigay ang buong lakas at galing nila para la

