Chapter 105: The beginning

1636 Words

Aoife "Hindi ko naiintindihan ang nangyayari, Nadetta. Sabihin mo naman sa akin dahil nararamdaman kong malapit na akong mabaliw sa kakahula kung ano bang pakulo ito," medyo nababakas na ang pagkairita sa boses ko. Totoo ngang bumibida ang pagaalala bilang aking pangunahing emosyon ngunit hindi ko pa rin mapigilang hindi mainis. Sino ba naman ang hindi maiinis kung alam mong namromroblema ang iyong sinasakupan at hindi ka makagawa ng kahit anong hakbang para matulungan sila dahil ayaw naman nilang banggitin sa iyo ang problema. Kanina pa ako nakahahalata na mayroon silang nalalaman na hindi ko nalalaman. Kung paanong nakarating ang problema sa mga mandirigmang kapwa ko nasa Sinorgus ngunit hindi naipaalam sa akin ay hindi ko alam. Ano ba itong inililihim nila sa akin? "Mahal na pri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD