Aoife Hindi na ako nakatulog pa matapos ang panaginip na 'yon. Alas dos pa lang ng madaling araw, anong gagawin ko? Kung mananatili ako rito ay mumultuhin lang ako ng imahe ni Ethan. Pakiramdam ko'y lalagnatin ako sa tuwing pumapasok sa isip ko ang napapanaginipan. Bakit kaya gano'n 'yon? Siguro'y matutuwa pa ako kapag napanaginipan kong nilulunod ko siya sa tubig ng talon. "Wala akong mapapala kung tutunganga lang ako rito." Tumayo ako para maghanap ng pagkakaabalahan. Naalala kong matagal na pa lang hindi nalilinisan ang kwarto ko. Kinuha ko ang mga magagamit sa paglilinis at sinimulan na ang naisipang gawain. Tumigil lang ako nang makitang makintab na ang sahig. Nilapitan ko ang mga estante saka ipinadaan ang hintuturo ko pero wala nang kumapit na alikabok. Napapalakpak ako sa s

